Douze

144 7 0
                                    

Third Person

Sa paglabas ng huling kilala at isa sa pinakamalakas na mandirigma ng Xenoa ay agad nitong inilibot ang paningin nang makaramdam ito ng malakas na enerhiya na para bang hinihigop ang kanyang buong lakas. Nanghihina siya... kahit kaluluwa na siya'y nakakaramdam pa'rin siya ng panghihina na tila ba'y anumang oras ay maglalaho na siya at kailanman ay di na mahahagilap pa. Nakakapanghilakbot. Hindi niya mawari kung saan ito nagmumula nang may maramdaman siya'ng dalawang pares ng mata na nakatitig sa kanya. Pinilit niyang huwag ipahalata ang pagtataka sa kanyang mukha ng makasalubong ng tingin ang dalaga'ng nagbibitaw ng isang malakas na enerhiya nang di namamalayan.


"Calixta!" nabalik siya sa ulirat nang makarinig ng isang boses. Ang headmaster.

"Cever," bati niya sa headmaster  at bahagyang tumango. Ngumiti naman siya sa asawa ng headmaster na siyang headmistress din ng Unibersidad. "Still beautiful and young?" biro niya sa headmistress na natatawang naiiling. "If you just used your power and ability, edi sana natuloy yung pagtuturo mo dito sa Unibersidad" anang headmistress.


Napangiti nalang si Calixta, isang dark magic user na mas piniling sumapi sa kabutihan sapagkat naniniwala siyang hindi lahat ng gumagamit ng itim na mahika'y dapat magpakasama na. She believes that every living things are equal. Mapa-mortal man o imortal, alam niyang pantay lamang ang lahat. Kahit pa mas malakas ang kapangyarihan ng isa laban sa isa.


She died--- no, she killed herself after the war between the two immortal rivals in their world ended, well, it's not yet really done, dahil simula pa lamang iyon ng mas madugo at mas masalimuot na digmaan kaya't pinili niyang wakasan ang kanyang buhay nang sa gayon ay mabantayan niya ang immortal na itinakda sa propesiya na siyang magtatapos sa hidwaan na nasa pagitan ng dalawang makapangyarihang paaralan.


Mariin niyang tinitigan ang dalagang naglalabas ng isang malakas na enerhiya nang di namamalayan nito. Napaisip siya. 'Tila nais na nitong kumawala' aniya sa isip. Tahimik na gumawa ng orasyon si Calixta nang sa gayon ay walang makapansin sa malak na enerhiya at mabigat nitong presensya. 


'Ilang ulit ba akong dapat gumawa ng mahika para lang di nila makita ang tunay mong kapangyarihan?' tanong niya sa dalaga nang hindi isinasatinig. Napaigtad naman si Iaxah at lumingon lingon sa paligid nang makarinig ng malamig at mahinang tinig. Hindi siya maaaring magkamali, may narinig siya...







Trisha's PoV

I roam my eyes around the ceremonial hall as a smile crept into my face. I saw my co-sorcerer and sorceress exploring every corner of the  hall. Kita sa mga mata nila ang saya. Kahit kaluluwa na lamang sila'y tila buhay na buhay pa rin sila. Masayang inililibot ang hall, malayang nakikipag usap sa mga estudyante, guro, at iilang tauhan ng paaralan, umaawit, sumasayaw kasabay ng musikang tinutugtog ng mga musikero, at nakikipagbiruan sa isa't isa.


"They look so happy" naramdaman ko'ng maupo sa aking tabi si Sienne habang hawak nito ang basong naglalaman ng nectar juice.


"I envy them, well, sometimes. Kase malaya nilang nagagawa yung gusto nila, hindi na sila matatakot dahil wala na silang dapat na ikapangamba pa" wala sa sarili ko iyong nasabi. Napatingin naman siya sa akin at kahit di ko siya lingunin ay nahihinuha kong nakataas na ang isa nitong kilay.

Missing Princess of XenoaWhere stories live. Discover now