Huit

149 9 0
                                    

Iaxah's PoV

Naramdaman ko'ng may yumuyugyog sa akin dahilan na magmulat ako at makita si Lhyre na naka uniform na.

"Malelate na tayo kaya bumangon kana dyan" agad akong napabangon sa sinabi niya at tumingin sa alarm clock ko. Aishh! I forgot to set my alarm!

"Bakit di moko agad ginising?" tanong ko at dali daling pumasok sa banyo. Dali dali akong naligo, nagbihis at nagsipilyo ng may biglang maalala.' Yung kagabi...'

Pinakatitigan ko ang aking sarili sa salamin na nasa banyo.'Panaginip lang ba ang lahat ng iyon? Bakit... Bakit mukhang totoo?'

"IAXAHH!! Matagal pa ba?! Late na tayo sa first subject!" dinig ko'ng sigaw ni Lhyre kaya iwinakli ko nalang ang mga nasa isip at lumabas na ng banyo.

"Ang tagal mo naman! 20 minutes late na tayo sa first subject. Tara na, tambay na lang muna tayo sa cafeteria. Sa second period nalang tayo papasok" ani Lhyre kaya't tumango nalang ako.' Anong ibig sabihin ng panaginip na iyon?'  di ko maiwasang itanong sa sarili.

"Huy! Kanina kapa tahimik! Anyare sayo?" nabalik ako sa realidad ng bigla akong sigawan ni Lhyre. Napatingin ako sa plato ko, di ko pa pala nagagalaw ang pagkain ko habang si Lhyre ay patapos na.

"N-Nothing, I just r-remembered my mom." I answered and fake a smile. Well, it's a half truth.

"Eh? Sa'n ba nanay mo?" tanong niya habang ngumunguya pa.

"She's gone..." I whispered, just enough for her to hear. Natulala naman siya sa isinagot ko at agad na uminom ng tubig.

"S-Sorry kung n-naitanong ko pa, hehe. D-Di ko alam, s-sorry." pagpapaumanhin niya. Natawa nalang ako ng marahan sa naging reaksiyon niya dahilan para ngumuso siya.

Matapos naming kumain ay pumasok na kami sa 2nd period.

"Oh? Ba't di kayo pumasok sa 1st subject?" nagulat ako ng may biglang nagsalita sa aming likuran, lumingon ako at nakita si Eric na nakataas ang isang kilay. 'Kaklase pala namin siya?'

"Eto kase, late na nagising" turo sa'kin ni Lhyre.

"E-Eh kayo? Ba't ngayon ko lang kayo nakita dito? Absent kayo kahapon?" tanong ko habang nakaharap sa pintuan.

"Nagkaroon kami ng meeting kasama ang mga Alphas" si Nathalia ang sumagot na bigla nalang sumulpot sa gilid ko.

"Ahh" walang interes ko'ng sagot at umayos na ng upo ng pumasok na ang lecturer namin sa 2nd period.

Natapos ang buong araw na parang wala man lang nangyare hanggang dumating ang kinabukasan.


"Iaxah! Bilisan mo! Marami nang tao sa gymnasium, di na tayo makakaupo!" pagmamadali sa'kin ni Lhyre kahit nag-aayos pa ako sa harap ng salamin at dahil nagmamadali nga siya, hinayaan ko na lang na nakalugay ang mahaba ko'ng buhok which is new dahil di ko pa naranasan'g hindi tinatali ang buhok ko, kahit sa shooting at pagmomodeling ko, palaging naka tali ang buhok ko. Hindi din ako nagpapaayos dahil yun ang bilin ni mommy sa'kin, na wag akong magpapaayos sa kahit na sino bukod sa'kin at kay mommy. I don't know why pero hindi ko na tinanong pa.

Tumakbo na kami ni Lhyre at hindi ko maiwasang magtaka kung bakit napapatigil at napapatulala ang lahat ng mga imortal na nadadaanan namin.

"Ganda mo daw oh" nagulat ako ng biglang magsalita si Lhyre habang tumatakbo kami.

"Lagi naman ah?" pabiro ko nalang sabi na ikinangiwi niya.



Narating namin ang gymnasium nang hinihingal at pawis na pawis--- I mean si Lhyre lang, di ako pinagpawisan which is very confusing pero binalewala ko nalang.


Nathalia's PoV


Ang maingay na gymnasium ay natahimik at napatingin sa entrada ng gym kaya't nagkatinginan  kami ni Eric ng may pagtataka sa mukha.' Anong meron?'

Nilingon namin kung ano'ng dahilan ng pagiging tahimik ng lahat at nakita si Lhyre kasama si... Iaxah? She's the center of attraction dahil bukod sa kagandahan niya habang nakalugay ang mahaba at maalon-alon niyang buhok ay nagliliwanag din siya na siyang aming ipinagtaka.

Nagtataka niyang nilingon ang lahat pati si Lhyre na namamanghang nakatingin sa kanya. "What the hell's wrong with you guys?" tanong ni Iaxah habang inililibot ang paningin sa paligid. Kunot-noo siyang tumingin sa harap ng stage at naglakad na sa gitna saka umupo sa isa sa mga nakahilerang upuan na nasa harap. Biglang dumilim ang paligid kaya't napalinga-linga ang lahat at ng magbukas ang ilaw ay lumabas sa backstage ang mga Alphas kasama ang headmaster at headmistress. Nakita ko naman sa gilid ng mga mata ko si Lhyre na tumakbo patungo sa direksiyon ni Iaxah. Nawala na din ang liwanag na nakapalibot sa katawan ni Iaxah at natauhan na din ang lahat at humarap na sa stage.

"Good day, Immortals! I am Headmaster Cever and I am here to inform all of you that the Queen and King of Xenoa Kingdom will visit Light University  2 weeks from now so I want y'all to be prepared and welcome them whole-heartedly and show them respect and diligence." ani Headmaster Cever dahilan para magbulungan ang lahat.


''Diba never pa sila bumisita ever since?''  bulong nung mga nasa likod namin. 

''Yeah,ito ang kauna-unahang beses.'' 

"Kaya nga eh, siguro tapos na sila sa pagmomove-on sa pagkamatay ng nag-iisa nilang anak" bulong pa nung isa.


"Confusing.... Para saan naman?" tanong ni Eric na nasa tabi ko.

"I don't know either" nasagot ko na lang.

"Or maybe because of the prophecy," Ani Prince Myles na nasa harapan pa pala namin. Akala ko nasa backstage na siya.

"If you're confused why, we don't know either. Just like you, we're also confused but we can't ask them. Afterall, they owned this University and we owe them a lot so that's all."  ani Headmistress. "But before that, the alphas want to give some announcements" dagdag ni Headmistress.

"For what?" dinig ko'ng tanong ni Lhyre. Kumibit-balikat lang ang walang kaemo-emosyong si  Iaxah saka itinuon ang paningin sa harapan.



Zhasienne's PoV


Hindi ko maiwasang mapatingin sa direksiyon ni Iaxah. Something about her makes me feel confused lalo na ang suot niyang singsing na masyadong makaagaw-atensiyon na napakapamilyar sa aking paningin.

"Hey,what's wrong? Kanina kapa nakatingin sa transferee?" nabalik ako sa ulirat ng bahagya akong sikuhin ni Trisha.

"I-I'm not looking at her." giit ko at itinuon ang atensiyon kay Kalix na walang kaemo-emosyong nagsasalita sa harapan. Di na ako magtataka, tsk. He announced about the war, but he didn't tell the students about the prophecy.

"You can now go to your respective dorms." walang kaemo-emosyong pagtatapos ni Kalix sa kanyang  anunsiyo.









"Ihhh! Gutom na akoooo!" nakabusangot na sabi ni Alissy habang nakaharap sa kuya niya'ng nagluluto.

"Can you just.... wait?" pigil inis na sabi ni Nick sa kapatid. Napahalukipkip naman si Alissy saka nakangusong pumunta sa living room at padabog na umupo sa sofa. Napabuntong-hininga nalang si Nick sa inasal ng kapatid.

"Nothing's new with Alissy Nice Villareal" natatawang sabi ni Myles at umupo sa tabi ng ate niya.

"Tsk." I heard someone hissed. Lumingon ako sa likod at nakita ang pinsan ko'ng si Razer na nakahalukipkip sa may entrada ng kusina. 'Sometimes I thought, is he inlove with the Princess of Earth?'

      








'Oh well, Malalaman ko din yan soon'

Missing Princess of XenoaWhere stories live. Discover now