MKSA2 : Chapter 5

932 87 9
                                    

MAHAL KA SA AKIN
BOOK 2

Ang ganda ng araw ko kapag nakikita kong masaya si Charles hindi ko alam kung bakit. Kapag malungkot ako ang una kong iniisip si Charles kahit alam kong corny ang lahat ng jokes niya ay napapangiti ako. Gusto ko makasama ulit si Charles pero hindi pwede dahil malayo kami sa isat isa kaya gumawa ako ng dummy account sa facebook.

"May kilala ka ba na Jen?" - Charles
"Sino ba si Jen?" - Vin
"May nagchat sa akin kaso di ko kilala kaya hindi ako nagreply" - Charles
"Crush ka siguro ni Jen" - Vin
"Ang hirap maging gwapo" - Charles
"Assuming ka talaga" - Vin
"Bakit hindi ba ako gwapo?" - Charles
"Gwapo pero sakto lang" - Vin

Kahit ano ang gawin ko kay Charles ay hindi siya nagreply ginamit ko ang Jen para maakit siya pero walang effect sa kanya. Gumawa ako ng dummy na Rio ang pangalan nakipagchat ako agad ni Joseph para mas makilala ko siya pero hindi ko inaasahan na makikilala niya ako. May chat ako galing kay Joseph at naiinis siya sa ginawa ko sa kanya.

"Ano ba ang ginawa ko sayo bes? Bakit nagchat ka gamit ang dummy account ang pangalan ay Rio?" - Joseph
"Sorry bes! Gusto lang kitang makilala bes kasi hindi mo pa sinasabi lahat ng tungkol sa buhay mo" - Vin
"Ayaw ko ng ganito bes" - Joseph
"Sorry hindi ko na uulitin bes" - Vin

Sa nangyari ay nalaman ko kay Joseph ang tungkol sa buhay niya. Ang nanay niya ay nasa ibang bansa habang may sarili ng pamilya ang kanyang ama na malayo sa kanya. Ang tinitirahan niya ngayon ay bahay ng stepfather niya sa lugar kung saan nakatira si Charles at nag aaral ako. Gusto ko makita siya sa personal para mas makilala pa siya at makapagbonding kami.

"Bes naiiyak ako sa kwento mo" - Vin
"Sorry bes ang drama ko" - Joseph
"Okay ka lang ba bes?" - Vin
"Sensitive kasi ako bes" - Joseph
"Sorry sa ginawa ko" - Vin
"Basta huwag mo ng uulitin" - Joseph
"Hindi ko na uulitin promise" - Vin

Ang dami kong natutuhan sa buhay ni Joseph dahil sa kwento niya ang gusto kong malaman ano ang pinagdaanang hirap ni Charles sa buhay. Hindi ko pa alam ang lahat tungkol kay Charles na marami pa akong kailangan malaman kaya nagstalk ako ni Charles. Hindi ko sinasadyang napindot ang reaction na heart sa kanyang picture sa facebook.

"Stalker ka Vin" - Charles
"Nakita ko lang ang picture mo" - Vin
"Crush mo siguro ako" - Charles
"Hindi kita type Charles" - Vin
"Ewan ko sayo denial ka" - Charles
"May tanong ako sayo" - Vin
"Ano ang tanong mo?" - Charles
"Close ka ba sa family mo?" - Vin
"Bakit mo na tanong iyan?" - Charles
"Gusto ko lang malaman" - Vin
"May gagawin pa ako Vin" - Charles

Ang hindi ko maintindihan ni Charles kung bakit iniiwasan niya ang tanong kapag tungkol sa family. Hindi ko siya kilala ng lubos kaya gusto ko makilala ang Charles na minahal ko. May isang chat akong natanggap galing ni Apple ang boardmate ko dati. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba siya o hindi dahil matagal ko ng itinatanong ito ni Charles kung may girlfriend na siya.

"May dapat kang malaman" - Apple
"Ano ba iyon Apple?" - Vin
"May girlfriend si Charles" - Apple
"Sigurado ka ba diyan?" - Vin
"Nakita ko sa instagram ang picture ni Charles kasama ang girlfriend niya na sweet sa isat isa" - Apple
"Ipakita mo sa akin ang picture" - Vin
"Hindi ko na makita" - Apple
"Ewan ko sayo Apple" - Vin
"Hindi ka ba naniniwala?" - Apple
"Walang girlfriend si Charles" - Vin
"Basta pinagsabihan na kita" - Apple

Iniisip ko kung totoo ba ang nakita ni Apple sa instagram kasi hindi naman niya ako lolokohin. Ang ginawa ko ay nagstalk kay Charles pero wala akong mahanap sa kanyang social media na account tungkol sa girlfriend niya. Sa palagay ko may nalalaman si Mike na makakatulong sa akin para malaman kong kasagutan sa aking katanungan.

"May tanong ako sayo Mike" - Vin
"Ano ang tanong mo Vin?" - Mike
"May girlfriend ba si Charles?" - Vin
"Wala siyang girlfriend" - Mike
"Sigurado ka ba diyan?" - Vin
"Bakit mo ba tinatanong?" - Mike
"Wala lang curious kasi ako" - Vin
"Single pa si Charles" - Mike
"Okay salamat Mike" - Vin
"May chance pa maging kayo" - Mike

May problema ako sa exams hindi ako makatake kasi kulang ang ibinayad ko kaya nanghiram ako ng pera. Lahat ng kaibigan ko ay walang pera dahil wala silang baon sa online class. Ang policy kasi sa school ay dapat fully paid bago makatake ng exams sa finals. Gusto ko humingi ng pera sa parents ko kaso ay gipit kami sa pera kaya naisipan ko na humingi ng tulong kay Charles.

"May extra money ka ba?" - Vin
"Saan mo gagamitin Vin?" - Charles
"May kulang kasi ako sa tuition" - Vin
"Magkano ang kulang mo?" - Charles
"May 3 thousand ka ba?" - Vin
"May extra akong money" - Charles
"Pwede ba akong umutang?" - Vin
"Pwede basta ikaw Vin" - Charles
"Salamat sa 3 thousand" - Vin
"Savings ko kasi iyan" - Charles
"Ang bait mo talaga" - Vin

Mahal Ka Sa Akin 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon