MKSA2 : Chapter 18

835 72 0
                                    

MAHAL KA SA AKIN
BOOK 2

Ang saya ng puso ko kasi kasama kong kumain ng lunch si Charles naalala ko ang lahat kung paano kami nagsimula dati. Hindi ko inaasahan na magkikita kami ni Gela sa mall kaya inaasar niya ako sa chat. Ang lakas talaga kumabog ng puso ko lalo na ngayong magkatabi kami ni Charles kumain hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

"Bakit ka nakangiti?" - Charles
"May chat kasi si Gela" - Vin
"Anong sabi niya sayo?" - Charles
"Bakit daw tayo magkasama?" - Vin
"Anong reply mo sa kanya?" - Charles
"May pinag usapan lang tayo" - Vin
"Bakit hindi mo sabihin kay Gela kung ano ang totoo?" - Charles
"Anong pinagsasabi mo Charles" - Vin
"Ang totoo ay nagdate tayo" - Charles

Kahit ako ay hindi makapaniwala kay Charles bakit kaya niya sinabi iyon sa akin. Ang seryoso ng mukha niya may nararamdaman kaya siya sa akin kasi ako mahal na mahal ko siya kahit ang dami naming away dalawa. Sa huli ay nandito pa rin si Charles sa aking tabi habang kumakain ay pinagmasdan ko siya gusto kong sulitin ang moments.

"Huwag ka ng magbayad" - Charles
"Bakit ililibre mo ba ako?" - Vin
"Bakit ayaw mo ba ilibre?" - Charles
"Salamat sa libre mo" - Vin
"Kailan ka ba uuwi sa inyo?" - Charles
"One week lang ako dito kaya uuwi na ako bukas sa amin Charles" - Vin
"Hindi ka na babalik dito?" - Charles
"May babalikan pa ba ako?" - Vin
"Ayaw mo ba akong makita?" - Charles
"Gusto kitang makita Charles kaya ako ang gumagawa ng paraan para makita kita ulit" - Vin

Sa pagdating ni Mike ay tumahimik sa pagsasalita si Charles kaya si Mike ang nakipag usap sa akin. Ang saya ko kasi nagkita kami ulit ni Mike inaasar niya kaming dalawa ni Charles. Sa dami ng pagkain ay hindi ko maubos kaya may sinabi si Charles sa akin. Gusto niyang ubusin ko ang pagkain kasi ang mahal ng order niya tapos hindi ko uubusin.

"Hindi ko maubos ang pagkain" - Vin
"Busog ka na ba kakatitig kay Charles? Huwag mo kasi siyang titigan" - Mike
"Ang daming tao na walang makain sa daan kaya ubusin mo iyan" - Charles
"Sorry pero busog na talaga ako" - Vin
"Gusto mo subuan kita?" - Charles
"Huwag mo na akong subuan" - Vin
"Ano ba ang gusto mo Vin?" - Charles
"Ang tagal niyong hindi nagkita sa isat isa kaya ipasyal mo siya Charles gamit ang sasakyan mo" - Mike
"May gagawin pa kasi ako kasama ang dati kong kaibigan" - Vin
"Mamasyal muna tayo Vin" - Charles
"Saan tayo pupunta Charles?" - Vin
"Magjoy ride tayong dalawa" - Charles
"Hindi ka ba sasama Mike?" - Vin
"Bawal akong sumama sa date niyo ni Charles kaya uuwi na ako" - Mike
"Halika na joy ride na tayo" - Charles

Ang sarap sa feeling kapag kasama mo ang taong mahal mo magjoy ride. May pinuntahan si Charles kaya ipinasama niya ako naalala ko ang sabi ng dating classmate ko na mayaman sila Charles may ari ng hotel. Ang yaman talaga ng pamilya ni Charles pero sinisikap niya magkapera ng sarili niya hindi na siya umaasa sa pera ng kanyang magulang.

"Ang humble mo talaga Charles" - Vin
"Hindi ko talaga pinagkakalat na may hotel kami kasi sa pamilya ko iyan na pamana hindi sa akin" - Charles
"Anak ka kaya magiging sayo din iyan balang araw Charles. Ang swerte sayo ng magulang mo dahil napakahumble mong anak at kaibigan" - Vin
"Salamat sa sinabi mo Vin" - Charles

Mahal Ka Sa Akin 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon