MAHAL KA SA AKIN
BOOK 2Ang dami ng assessments pero kinaya kong tapusin lahat dahil ginagawa ko ang assessments bago ang deadline sa neolms. Kahit si Mike napabilib ko ng makakuha siya ng matataas na scores kapag may quiz. Ang tagal kong hindi nakachat si Charles dahil ang daming nangyari na away sa aming dalawa at nagkaroon rin kami ng tampuhan.
"Kumusta ka na Charles?" - Vin
"Okay lang ako Vin" - Charles
"Anong ginagawa mo?" - Vin
"Busy sa negosyo" - Charles
"Bakit wala ka sa online class?" - Vin
"Ang dami kong inaasekaso" - Charles
"Ingat ka palagi Charles" - Vin
"Salamat ingat ka rin" - CharlesSa online class nakita ko si Charles na present sa zoom kaya inaasahan kong hindi siya busy. Kahit online class ang aming klase ay minsan lamang siyang pumasok naalala ko dati ng classmate kami madalas siyang absent. Hindi ko alam kung bakit palagi siyang wala sa zoom na pansin ko ang chat ni Joseph kaya nagreply ako sa kanya.
"May quiz kami ngayon pwede mo ba akong tulungan bes?" - Joseph
"Pwedeng mamaya na bes?" - Vin
"Dapat ngayon sagutan bes" - Joseph
"Sorry pero may online class kami na discussions sa zoom ngayon" - Vin
"Kahit ngayon lang bes please babawi talaga ako sayo" - Joseph
"Sige bes tutulungan kita" - VinKahit may online discussions kami ay pinili kong tulungan si Joseph sa quiz niya. Hindi ko namalayan ang chat sa akin ni Charles kaya late ang reply ko palagi sa kanya dahil tumutulong ako kay Joseph sa assessments niya. Kahit ako ay naguguluhan kay Joseph dahil minsan lang siya magchat kapag may gagawin siyang assessments.
"Kumusta ka bes?" - Vin
"Okay lang ako bes" - Joseph
"Ano bang ginagawa mo?" - Vin
"Busy sa paglalaro ng ML" - Joseph
"Pwede ba humingi ng advice?" - Vin
"Sorry pero naglalaro ako" - Joseph
"Kahit sandali lang bes" - Vin
"Ang tigas ng ulo mo" - Joseph
"Galit ka ba bes sa akin?" - Vin
"Ang hirap mo kasi kausap" - Joseph
"Sorry bes sa storbo" - VinMay mali ba akong ginawa kay Joseph iniisip ko sa kanya si Ralph na mabait lang sa akin kapag may kailangan ang hirap makita ng tunay na kaibigan. Sa facebook nagstalk ako ni Xania nakita kong nawala ang picture ni Charles at Xania na magkasama kaya nag isip na akong gumawa ng tiktok account. Ang ginawa ko ay naghanap ng video pero wala akong makita na Xania.
"Bakit umalis ka sa zoom?" - Charles
"May inaasekaso lang ako" - Vin
"Anong inaasekaso mo?" - Charles
"May tinulungan lang ako" - Vin
"Ang tagal mong magreply" - Charles
"Sorry busy lang ako" - Vin
"Busy sa pagchat ni Joseph" - Charles
"Tinulungan ko lang siya" - Vin
"Hindi mo ba napapansin?" - Charles
"Anong pinagsasabi mo?" - Vin
"Ginagamit ka lang niya" - Charles
"Hindi siya kagaya ni Ralph" - Vin
"Basta pinagsabihan na kita Vin kung ayaw mo maniwala sa akin bahala ka hindi kita pipilitin" - CharlesIniisip ko ang chat ni Charles tungkol kay Joseph naalala ko dati si Ralph na magkachat kami pero iniwan lamang ako. Hindi nagparamdam si Joseph sa akin kasi busy siya sa ML. Gusto kong makachat si Charles gaya ng dati may nakita ako sa tiktok ni Xania pinakita niya si Charles na nagmamaneho ang swerte ng girlfriend niya dahil mahal siya ni Charles.
"May girlfriend si Charles" - Vin
"Seryoso ka ba Vin?" - Evy
"Bagay talaga sila sa isat isa" - Vin
"Paano mo nalaman?" - Evy
"May nakapagsabi sa akin tungkol sa girlfriend ni Charles" - Vin
"Anong name ng girlfriend?" - Evy
"Ang name ay Xania" - Vin
"Naalala ko may kasama si Charles sa school dati kapag lunch" - Evy
"Ang sakit kasi umasa ako" - Vin
"Kahit ako ay hindi makapaniwala sa sinabi mo pero kailangan mo lang na tanggapin ang katotohanan" - Evy
"Hindi ko alam ang gagawin" - Vin
"Gawin mo ang tama Vin" - Evy
"Salamat Evy sa advice mo" - VinAng gusto ng isipan ko ay lumayo kay Charles pero ayaw ng aking puso ang hirap mamili kung sino ang susundin kung puso ba o isipan. May inasekaso akong assessments kaya busy ako ang hindi ko alam nagchat si Charles may ginagawa ako sa oras ng nagchat siya kaya hindi ko na replyan. May chat si Mike sa akin nagtatanong sa video ng assessment kaya nagreply ako.
"Ano bang gagawin sa video?" - Mike
"Gumawa na ako ng script" - Vin
"Salamat talaga sa tulong mo" - Mike
"Nagkita ba kayo ni Charles?" - Vin
"Hindi kami nagkita Vin" - MikeKahit ako ay naguguluhan kung saan kaya pumupunta si Charles ang dami kasing video na kailangan tapusin sa assessments. Ang dami kong chat kay Charles pero ang tagal niya magreply kaya naiinis ako sa kanya. Hindi niya iniisip na busy ako kaya gumanti ako ang ginawa ko ay nagchat ng marami para makulitan si Charles sa akin.
"Bakit ang tagal mo magreply?" - Vin
"Busy ako kaya hindi kita na replayan ano ba ang kailangan mo?" - Charles
"Huwag mo nga akong lokohin" - Vin
"Ano bang pinagsasabi mo?" - Charles
"Kung ayaw mo akong makachat sana nagsabi ka sa akin" - Vin
"Bakit nagreply ka ba sa chat ko sayo? Ginagantihan mo ako kaya galit ka ng sinabi ko sa iyong busy ako kasi ayaw mong maniwala sa akin" - Charles
BINABASA MO ANG
Mahal Ka Sa Akin 2
RomanceKapag mahal mo ang isang tao ay handa ka sa lahat ng bagay. Sa pag ibig, hindi lahat ng oras ay puro kilig at saya ang mararamdaman dahil darating ang panahong masasaktan ka. Sa loob ng mahigit sa 2 taon, marami ng nagbago "The more you hate, the mo...