MKSA2 : Chapter 17

847 71 0
                                    

MAHAL KA SA AKIN
BOOK 2

Sa loob ng 752 days ay nakita ko ulit si Charles ang lalaking minahal ko hindi ako makapaniwala sa nangyari. Gusto kong yakapin si Charles pero nahihiya ako kaya tinitigan ko lang siya habang nakangiti sa kanya. May sasakyan siya kaya sinundo niya ako kinikilig akong sumakay sa sasakyan ni Charles. Kahit kinakabahan ang puso ay kinausap ko siya habang nakatitig sa mukha niya.

"Hello Charles! Kumusta ka?" - Vin
"Okay lang ako Vin" - Charles
"Saan tayo pupunta?" - Vin
"Sa mall ang punta natin" - Charles
"Bakit wala si Mike?" - Vin
"May inaasekaso pa siya" - Charles
"Gutom ka na ba Charles?" - Vin
"Oo! Bakit ang tagal mo?" - Charles
"Gumawa pa ako ng assessments niyo kasi deadline ngayon" - Vin
"Salamat sa tulong mo Vin" - Charles

Ang tagal kong hindi nakita si Charles kaya sinusulit ko ang bawat oras. Ang saya ng puso ko kasi nagkita kami ulit gusto kong makasabay siyang kumain kahit ngayon lang. Gusto kong masabi kay Charles ang nararamdaman ko na saya habang nakatitig sa kanya. Hindi ako gumamit ng cellphone gusto kong magfocus ni Charles kasi minsan lang kaming magsama dalawa.

"Ano bang pinunta mo dito?" - Charles
"May party kasi sa organization" - Vin
"Kumusta kayo ni Joseph?" - Charles
"Okay lang kaming dalawa" - Vin
"Kailan kayo magkikita?" - Charles
"Hindi ko pa alam kung kailan" - Vin
"Bakit ka nakatitig sa akin?" - Charles
"Bakit bawal ba akong tumitig habang kinakausap kita?" - Vin
"Hindi lang ako sanay na tumitig ka sa akin kasi dati suplado ka" - Charles

Ang arte ko dati ni Charles dahil hindi ako namamansin sa kanya. Kahit may crush ako sa kanya pero pinili ko lang manahimik. Gusto kong makasama sa lunch si Charles dati pero nahihiya pa akong yayain siyang kumain kaya nga gusto kong bumawi ngayon. Ang dami kong sinayang na oras dati dahil hindi ako nagpakatotoo sa feelings ko.

"Kumusta kayo ng girlfriend mo? Ang galing mong mamili Charles" - Vin
"Wala na akong girlfriend" - Charles
"Hindi ako naniniwala sayo" - Vin
"Last year kami naghiwalay" - Charles
"Bakit kayo naghiwalay?" - Vin
"Hindi kami magkasundo" - Charles
"May nililigawan ka ba ngayon?" - Vin
"Bakit mo tinatanong iyan?" - Charles
"Gusto ko lang nalaman para hindi na ako umasa" - Vin

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako or malulungkot sa sinabi ni Charles sa akin. Sa wakas nakarating na kami ng mall nakita ko si Mike ngumiti siya na nakatingin sa akin. May inaasekaso sa lisensya si Mike kaya tinulungan kong maghanap ng kainan si Charles. Kahit namamaos ang boses ko ay itinuloy ko ang masaya naming pag uusap.

"Bakit dito tayo kumain?" - Vin
"Ang sarap ng pagkain nila" - Charles
"Manlibre ka naman sa akin" - Vin
"Sige! Libre kita ngayon Vin" - Charles
"Kailan pupunta si Mike dito?" - Vin
"Mamaya pa siya pupunta" - Charles
"Anong pinakakaabalahan mo ngayon Charles sa inyo?" - Vin
"May inaasekaso akong investment sa amin kaya busy ako" - Charles
"Bilib talaga ako sayo dahil ang galing mo pagdating sa investment" - Vin
"Di ba crush mo ako?" - Charles
"Hindi kaya kita crush" - Vin
"Walang bawian sabi mo sa chat gusto mo ako kaya ka nga bilib sa akin dahil crush mo ako" - Charles

Mahal Ka Sa Akin 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon