AVERY POV
Nakauwi na ako sa bahay, buti na lamang ay madami akong reason na nasabe sakanila, ayoko lang kase makita si Aira, hindi naman kase kagandahan pero bakit nagustuhan ni Ethan?
Pinuntahan ko si mama at papa sa kwarto nila, binigay ko na yung dalawang milktea at isang box ng donut, yung ibang milktea nilagay ko sa ref, at kumuha ng isang box na donut din,
Umakyat ako sa taas, binuksan ko yung ilaw at aircon, nag alcohol muna ako at ni lock yung pinto, nag palit muna ako ng suot, para komportable ako.
Binuksan ko yung laptop kase manonood ako,
[imagine this is avery]
Pagtapos ko buksan yung laptop ay, kinonek ko yung laptop sa tv para kahit papaano ay malaki yung screen, manonood ako ng put your head on my shoulder, feel ko kase maganda ito, syaka ang gwapo kaya ni kuya hehe.
Habang nanonood ako at kumakain, ay nag skin care muna ako, para wala na akong gagawin kundi humiga at kumain, wala naman kameng pasok eh,
Maya maya ay narinig kong may bumukas ng pinto sa baba, bumaba ako para tignan yun, pinause ko muna yung pinapanood ko at sinara yung pinto, pag kasilip ko ay si kuya lamang ito, kasama niya si ate ella at ethan sila lng tatlo at hindi kasama si Aira.
"Oh gising ka pa pala." sabe saken ni kuya, "Kala ko ba inaantok kana?" tanong saken ni Ate ella, "Ah kakatapos ko pa kase maligo tas nanonood din ako sa taas ng k-drama kaya di pa ako inaantok."
"Ano naligo ka, anong oras na?" sabe saken ni ethan. "Ay sis wala akong pake HAHAH." sabe ko sakaniya sabay taray, umakyat na ako sa taas para ituloy yung pinapanood ko,
sumunod naman saken sina kuya, shuta dito pa sila mag iingay sa kwarto ko, "Lamig dito." sabe ni ate ella kaya tinawanan ko siya, "Ganda naman ng kwarto mo." sabe saken ni ethan ngunit hindi ko siya pinansin wala akong pake kung maganda yung kwarto ko nugagawen? HAHAHAHAH
"Kuya naman eh dun na kayo sa kwarto mo." sabe ko kay kuya, habang tinawanan naman ako ni ate ella.
Lumabas na sila ng kwarto at ni-lock ko yung pinto para di na sila bumalik, ayokong may tao sa kwarto ko and ayokong papakealaman yung gamit ko maiinis kase ako if magulo ni-isa sa mga yun.
Tinapon ko na yung mga kinakain ko, kase ubos na beh HAHAH, pinatay ko yung ilaw at humiga kase habang nanonood ako ay nakahiga ako bat ba?
LIAM POV
"Pasensya na sa kapatid ko ayaw niya kase may pumapasok sa kwarto niya, lalo na pag di mo sinasabe sakaniya na papasok ka sa kwarto niya kaya pasensya mga beh HAHAHA" sabe ko sakanila tumawa lamang sila, pumunta ako sa kwarto ko para dun kame manonood at matutulog.
"Pinatay na ni ave yung ilaw matutulog na yan kaya hinaan na lang natin para hindi siya magalit." sabe ko sakanila at tumango lamang sila,
Kumuha ako ng makakain at nag timpla ng juice para samen, nag start na yung movie, lumipat ng upuan si ella, at nakita ko ay tumabi siya saaken, hala nakakakilig charot harot natin jn boi ha HAHAHHA.
Nakita ko ay paurong ng paurong si ella saken, hinawakan niya kamay ko, sabay tingin saken at tumingin din ako sakaniya, ngumiti lamang siya saken, "Ganda mo pag nakangiti." sabe ko sakaniya ng pabulong, kaya napatawa siya.
"Mga beh anong nakakatawa?" tanong samen ni ethan, kaya di na namin pinansin yun.
AVERY POV
Binuksan ko yung ilaw tapos bumaba para kumuha ng tubig, nakita ko sila nasa sofa, nakita ko si kuya at ate ella na mag kasama at sobrang dikit, "Hoy hoy ano yan ha mag hiwalay kayo." sabe ko sakanila kaya nagulat talaga si kuya nun HAHAHAH
Nakita ako ni ethan kaya kinindatan ko siya habang papalapit sa ref namin, ngumiti ito habang nakatingin saken.
sabe ko sainyo marupok ako eh HAHAHAH.
BINABASA MO ANG
ESCALATING AFFECTION
Teen FictionEthan Lee, isang lalakeng seloso na pag binulungan ka ay mababaliw ka, bully siyang lalake, at di siya mababaliw kit isa sa mga babae, pero kay avery siya babagsak Avery Louisse Batumbakal, isang babaeng maganda, at president sa school, pero kinaiin...