Ahm, bago po ako gumawa ng Isang Horror story...
Gusto ko lang po na mag-leave kayo ng comments at mag-vote din.
YUn lang po. ^_^
Ok. This is my 1st horror story na nagawa/ gagawin palang. :D Hope you like it.
Vote and comments po ahh!!!
Story #1. (Bakasyon)
Rebekah Fernandez
Ako si Rebekah Fernandez, bunso sa tatlong magkakapatid. 10 years old ako nang mangyari sa'kin ang hindi ko matanggap na pangyayari sa aking buhay.
Bilang isang bata, matatakutin ako lalo na kapag nakakita ako ng kabaong.
Bakasyon noon ng umuwi yung tita at tito namin sa bahay namin sa probinsya. At good news!!! Matutupad na rin ang matagal ko nang pinapangarap! Ang makabakasyon sa Maynila kahit ilang araw lang.
*****
"Oh anak, tandaan mo yung mga binilin ko sa'yo hah! Tumulong ka sa mga gawaing bahay doon. Malaki ang bahay ng tita mo at mamahalin ang mga gamit kaya mag-ingat ka at baka makabasag ka ng kung anu doon."- Bilin ni mama habang nag-aabang kami ng bus na sasakyan namin papuntang piyer.
"Ma, kahapon mo pa yan sinasabi sa akin eh. Nagmumukha na kayong sirang plaka ehh."- Iritang sagot ko.
"Anak, binibilinan lang kita ng mga dapat mong gawin lalo na at hindi mo kami makakasama ng ilang araw." Sabi ni mama.
"Hay naku Esther. Isang linggo lang naman doon sa Maynila yang si Rebekah. Kung makabilin ka parang habang buhay nang mawawala si Rebekah sa inyo ehh"-- Sagot ni tita Ruby
"Ohh. Ayan na pala ang bus natin ehh."-- Pagkasabi noon ni tita ay yinakap ko na si mama at nagpaalam na."Yung mga binilin ko anak ahh.! Huwag mong kakalimutan."
"Opo ma. Sige na po. Aalis na kami."-- umakyat na ko sa bus ng matapos akong magpaalam kina mama, papa, lola at sa dalawa kong nakakatandang kapatid na ate at kuya.*****
Inabot ng halos dalawang oras ang byahe namin papuntang piyer. Medyo inaantok pa ako tsaka nahihilo dahil sa byahe.
Umakyat na kami sa barko. Siguro mga 30 minutes pa ang hinintay namin bago umandar ang barko.
*****
Alas otso na ng gabi ng nakaramdam na ko ng antok kaya naman sinabihan ko sina tito at tita na matutulog muna ako.Pumwesto ako sa tabi nila tsaka natulog.
*****
Alas dose ng hating gabi. Nagising ako dahil sa ingay ng mga tao.
At doon ko lamang nalaman na lumulubog pala itong barkong sinasakyan namin.At lalo pa akong kinabahan ng makita kong wala sa tabi ko sina tito at tita.
Hindi ko alam ang gagawin ko.
Nilibot ko ang buong barko at nagbakasakaling makikita ko sila.
Ngunit bigo akong makita sila.Ilang beses na akong natutumba at nabubunggo ng mga taong nag-aagawan ng mga life jacket.
Pero hindi ko sila pinapansin dahil ang nasa isip ko lang ay kung paano ko makikita sina tito at tita.
Lumipas ang ilang oras ngunit bigo parin akong makita ang hinahanap ko.
Naiiyak na ako sa takot.
Takot dahil sa lumulubog na ang barkong sinasakyan namin. At takot dahil hindi ko parin nakikita sina tita.*****
Dumating ang oras na malapit na talagang lumubog ang barko. Hanggang leeg ko na ang tubig. Ramdam ko na ang lamig. Ngunit wala parin ang mga taong hinahanap ko.
Papalubog na ang barko.
At wala na akong nagawa. Wala.
Wala.
********
"Anu ba yan. Ang ingay-ingay!!"-- sabi ko sa sarili ko habang papalabas ng kwarto.
Nagising kasi ako sa ingay na nanggagaling sa labas ng kwarto.
Nandito na pala ako sa bahay nila tita. :)Lumabas ako at tinungo ang sala.
Pagkalabas na pagkalabas ko ay nakita ko ang mga tito at tita ko.
Anong meron? Reunion?At ganoon lamang ang aking pagkagulat ng makakita ako ng isang kabaong sa sala.
Kinilabutan na kaagad ako.Sinong namatay? Mukhang di yata nasabi sa kin nila tita na may ibang tao pa pala na tumitira dito.
Ahh! Siguro ang nanay ni tita ang namatay.
Hah? Hindi pwede! Kasama ni mama ang nanay ni tita sa probinsya.
Ahh baka ang nanay o tatay ni tito. Siguro nga.Nakita ko si tita sa isang sulok na namamaga na ang mga mata.
"Tita sino pong namatay?"-- tanong ko kay tita ngunit katahimikan ang sinagot nya sakin.
Maya-maya pa ay may tumawag sa kanya sa telepono.
"Hello?"-- basag ang boses ni tita ng sagutin nya ito. Siguro ay dahil iyon sa sobrang pag-iyak.
"Oh sige. Hihintayin ko kayo."-- sagot ni tita sa kabikang linya at agad na tumayo papunta kay tito.
"Bukas na daw luluwas sina Esther kasama ang mga anak nito at pati narin si nanay."-- sabi ni tita kay tito.
"Ahh ganun ba? Sige ihahanda ko nalang ang magiging kwarto nila.
"Talaga?? Pupunta sina nanay dito?? Yehey!!!"-- excited na pagsisigaw ko ngunit tila hindi ako naririnig??
*****
Dumating ang hinihintay ko. Wuuuhh!! Pupunta sina nanay dito! pati sina ate. At kuya!!
Excited ako na nag-aabang sa sala.
Ilang sandali pa ay dumating na sila!!!
"Hali kayo.."-- sabi ni tita habang sinasalubong sina nanay sa pintuan.
"NANAY!!!!"-- sinalubong ko sila ng napakalaking ngiti. Ngunit sinalubong rin nila ako ng matinding pag-iyak.
Nagulat ako. Nagulat ako ng tumagos lang ako sa katawan ni nanay.
At dumiretso sila sa kabaong at doon nag-iiyak.
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari.
Kung dati ay takot na takot ako sa kabaong.
Ngayon ay tila nawala ang kilabot sa katawan ko.
At buong lakas na tiningnan ang laman ng kabaong...
At nanghina ang buong katawan ko ng makita ko ang sarili kong bangkay.
Bangkay ko na nilulumot na. At halos berde na ang kulay ng mukha ko.
Ngayon alam ko na.Patay na pala ako.
End of story number 1...
Hi po!! Okay lang po ba?? 1st time ko kasing gumawa ng horror story eh.
Tsaka puro one shots po ang mga story dito kaya natural lang na bitin. Hehe.
Vote po ahh.
And comment po.
Ano po reaction nyo?
BINABASA MO ANG
Philippine Horror Stories
HorrorGusto mo ba ng mga kuwentong nakaka-panindig balahibo? Matapang ka naman di'ba? Basahin na! Philippine Horror Stories.