Story #2: Fiesta
Kimberly Alvarez
Kakagraduate ko lamang sa elementarya dito sa bayan ng Tibiao. Grade 3 ako nang kunin ako ng auntie ko doon sa bahay namin sa kabilang bayan upang pagpaaralin sa High School. 20 years old na ako pero tutungtong palang ako sa High School. Ilang taon rin kasi akong huminto sa pag-aaral dahil kapos kami sa pera.
Mahirap ang buhay namin doon. Nasa bundok kasi ang barangay namin kaya medyo malayo kapag pumapasok sa eskwela.
3 years narin akong pinapaaral ng auntie ko. At ngayon ay sinusuportahan nya parin ako sa aking pag-aaral. At kinuha na rin nya ang isa kong pinsan sa bayan namin para pagpaaralin rin sa High School.*****
Sumner na ngayon. At dahil summer na ay panahon na ng pagdiriwang ng mga kapistahan sa bawat barangay.
At ito ang aking kinatatakutan."Kimberly, maghanda ka na para sa mga gagawin natin dahil bukas na ang bisperas ng fiesta dito sa barangay Malabor. Kailangan maging mas masarap ang luto natin kesa sa ating mga kabitbahay. At sabihin mo rin sa iyong pinsan na si Emily na magdala sya ng kanyang mga kaklase bukas. Maliwanag ba Kimberly?"-- tanong ni Auntie
"Opo. Maliwanag po."-- sagot ko naman.
At dahil nga sa pinapaaral ako ni auntie, ano pa nga ba ang aasahan ko? Ako ang katulong sa bahay nina auntie at ito ang kapalit ng kanyang pagpapaaral sa'kin.
Hindi maiwasan na maapi ako. Pagutuman. At halos patayin na ako sa pagpapahirap nila sa'kin ngunit hindi pwede. Hindi.*****
"Auntie nandito na po kami.! Kasama ko po ang mga kaklase ko.!"-- Pasigaw na sabi ni Emily habang pumapasok sa silid kasama nga ang kanyang mga kaklase.
Dahil bagong lipat palang dito ang pinsan kong si Emily ay hindi pa nya nalalaman ang tunay na ugali ni auntie at kung ano ang pwede nyang gawin.
"Ang aga nyo naman ata? Bukas pa ang bisperas ahh?"-- Tanong ni Auntie
"Para po makatulong naman kami sa inyo sa paghahanda ng mga pagkain para sa darating na fiesta."-- Sagot naman ni Emily
"Tamang-tama! Makakatulong nga kayo. (Sabay sulyap ni auntie ng tingin sa'kin dito sa kusina na agad naman akong umiwas.) Malaki talaga ang maitutulong nyo. Ayy teka. Sasabihan ko muna si Kimberly na maghanda ng kape para sa inyo."-- Auntie
"Tulungan ko na po sya"
"Ayy hindi! Ahh- ehh. Si Kimberly nalang. Tutal sanay na sya sa kanyang ginagawa ehh."-- Tutol ni Auntie kay EmilyAt tumungo na nga si auntie dito sa kusina. Tiningnan nya lang ako na alam ko na kung anong ibig sabihin. Yumuko nalang ako at sinimulang magtimpla ng kape. Binilang ko muna sila. Labindalawa silang lahat.
Mali toh. Maling-mali.Natapos na ako sa aking ginagawa.
Dinala ko na ang mga tinimpla kong kape at isa-isang pinamigay sa kanila.Nanginginig na ang mga kamay ko habang binibigay sa kanila ang mga tasang may lamang kape.
"Tulungan ni kita Kimberly."-- Hindi pa man ako um-oo ay tinulungan na ako ni Emily.At dahil sa sobrang kabang aking nararamdaman sa dibdib ay tumakbo nalang ako sa aking silid. Natatakot na talaga ako sa susunod na mangyayari.
Pumikit ako at di ko namalayan ay nakatulog na pala ako.
*****
"Hoyy Kimberly!! Gumising ka na diyan! Hindi kita pinapaaral upang matulog lang ng matulog!"-- Nagising ako sa pagkatok ng pagkatok ni auntie ng pintuan ko.
Hindi na ako nagsalita pa. Lumabas ako dahil alam ko na ang gagawin ko.
"Tulog na silang lahat. Alam mo na ang gagawin mo."-- Tumango nalang ako bilang sagot at tinungo na ang sala.
BINABASA MO ANG
Philippine Horror Stories
HorrorGusto mo ba ng mga kuwentong nakaka-panindig balahibo? Matapang ka naman di'ba? Basahin na! Philippine Horror Stories.