Story #4: Boarding House
Patricia Pedro
*******
"Bawal ang magdala ng mga appliances, bawal lumabas tuwing alas syete ng gabi dahil kailangan tulog na ang lahat sa oras na iyon. At higit sa lahat, ang mas pinagbabawal, bawal magdala ng kahit na anong hayop na mabalahibo."
Malapit na ang pasukan nina Patricia. Magiging collage student na sya sa darating na pasukan.
At katulad ng problema ng karamihan, wala pa syang nahahanap na matitirhan dahil malayo ang University na kanyang papasukan sa bahay nila. Mabuti naman dahil naipasa nya ang Entrance exam at sya ang naging top natcher.
Full scholar sya kaya naman boarding house nalang ang kanyang poproblemahin.
"Oh ano? Kukunin mo ba?"
Naghahanap kasi si Patricia ng boarding house na malapit lang sa University na kanyang papasukan. At nakita nya ang nakalagay sa gate ng isang bahay ang "Wanted, lady bedspacer"
Medyo luma na ang bahay at nakakakilabot tingnan.
Ngunit ng makita ni Patricia na mura lang ang upa ay hindi na sya nagdalawang-isip pa na tanungin ang may-ari.
"Opo. Tatanggapin ko na."
500 pesos ang upa monthly kaya ok na sa kanya yun. Hindi pa mabigat sa bulsa.
*****
Unang gabi ngayon ni Patricia sa inuupahan nyang boarding house.
Hindi pa sya sanay dahil sya lang ang mag-isa sa kwarto na iyon. Wala pa kasing dumadating na ibang boarders eh.
.
.
.
.
Pipikit na sana si Patricia upang matulog ng...
.
.
"Pssssst!!!"
.
Wari nya'y daga lamang iyon kaya hinayaan na lamang nya.
Ngunit nabalot na ng kilabot ang buo nyang katawan ng maulit ang kanyang narinig.
"Pssssssssst!!!"
Pakiramdam nya ay sa tabi nya lang ang sumisitsit sa kanya dahil ramdam nya ang hininga ni'to.
Kinuha nya ang kumot nya at nagtalukbong. Hindi man sya halos makahinga sa loob ay wala na syang pakealam. Gusto lamang nyang makatulog ng maayos upang hindi sya maging mukhang zombie sa unang araw nya sa school bukas.
.
*****
Nakatulog nga si Patricia ngunit hindi ganun kaganda. Hindi kasi sya masyadong nakatulog dahil sa kaba at takot.
Naghanda na sya para sa kanyang klase. Nag-almusal tsaka pumunta ng school.
Palabas na sya ng makita ang ale na may ari ng boarding house.
"Ate, papasok na po ako."- Masayang paalam ni Patricia sa babae ngunit tanging pagtango lamang ang isinagot nito.
*****
Sumakay sya ng tricycle at tumungo na sa paaralan.
"Jan ka nakatira?"- Tanong ng tricycle driver sabay tingin sa bahay kung saan lumabas si Patricia.
BINABASA MO ANG
Philippine Horror Stories
HorrorGusto mo ba ng mga kuwentong nakaka-panindig balahibo? Matapang ka naman di'ba? Basahin na! Philippine Horror Stories.