Karneng Walang Lasa

168 7 0
                                    

Story # 6:

Karneng Walang Lasa

.

.

This is based on a true story. Kinuwento ito ng dating driver ng friend ko na taga-Iloilo.

Itago natin siya sa pangalang Manong Alden. (A/N: Psssst! Quiet! Eto na.). :D

.

.

Nakatira kami sa San Juaquin, Iloilo. Medyo malayo kami sa bayan kaya tahimik. Tahimik dahil malapit lang kami sa sementeryo. Dalawa lang kami ng asawa ko sa maliit naming bahay. Wala pa kaming mga anak.

Ito ang makatindig balahibo kong karanasan sa buong buhay ko.

*****

Gabi na, natutulog na kami.. Ngunit nagising ako nang maramdaman kong bumangon ang asawa ko. (Itago natin siya sa pangalang Maine.) (A/N: WAlang basagan ng trip!)

Nagtaka ako.. Bumangon siya at lumabas ng bahay.. At dahil sa antok na antok na ako, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Natulog nalang ako.

*****

Kinaumagahan, tinanong ko ang asawa ko kung bakit siya lumabas ng bahay kagabi..

"Ahh, ano, naiihi kasi ako kagabi kaya lumabas ako."-- Sagot niya nang tanungin ko.

Oo nga pala, hindi ko kaagad naisip na nasa labas pala ang banyo namin.

Gabi-gabi nagigising talaga ako kapag bumabangon parin ang asawa ko..

Gabi-gabi na siyang bumabangon at eksaktong alas dose ng hatinggabi kung siya'y bumangon..

Nagtaka na ako.

Isang gabi, bumangon na namana siya.

Sinundan ko. Lumabas siya ng bahay at nakita ko na may kinuha siyang isang bote na nakasabit sa dingding ng maliit naming bahay.

Kitang-kita ko siya sa loob ng bahay dahil hindi naman kalakihan itong bahay namin.

Kumuha siya dun sa bote at pinahid niya sa buong katawan niya.

Pagkatapos nun, naglakad na siya.. Hindi na ko nagdalawang isip na sundan siya.

At iilang hakbang lang ay tumigil na siya sa paglalakad. Tumigil siya at may pagtataka ko siyang nilapitan at tinanong.

"Anong meron dito? Atsaka bakit ka pumunta rito?"

Tanong ko sa kanya ng pabulong dahil sa ganung oras ng gabi ay maraming tao sa lugar na pinuntahan namin.. Parang may fiesta.

"Sumunod ka. Tara."-- Hindi man lang siya nagtanong sa'kin kung paano ako nakasunod sa kanya.. Sumunod nalang ako sa kanya.

Pumunta siya sa isang mesa kung saan nandoon ang mga pagkain. Kumuha siya doon ng isang platong puro karne..

"Kumain ka."-- Binigay niya sa'kin ang platong iyon. At ako naman, minsan lang kasi kaming makakain ng karne kaya kumain narin ako..

Ngunit nagtataka parin ako kung bakit may ganitong kaganapan sa lugar na ito.. Konti lang naman ang mga tao sa lugar namin pero ngayong gabi, ang dami-daming tao!

Kumain ako nang karneng binigay niya sa'kin.

"Pwe! Ano ba tong karneng to? Bakit walang lasa?"-- Napalakas ang sabi ko nun kaya ang mga tao doon ay napatingin sa'kin.

"Shhh! Ano ka ba? Huwag kang sumigaw! Ganyan lang talaga siguro ang panlasa ng mga taga-rito. Respetuhin mo nalang."

Sabi niya sa kin ng pabulong kaya naman kumuha ulit ako dun atsaka kumain.

Pinakita ko naman sa mga taong nakatingin sa'kin na nasarapan ako sa kinakain ko para hindi na sila magtaka.

Dahil sa pagtataka ko, Pinunitan ko yung kulay itim na salong na niregalo ko sa kanya. Ito ay paalala lang kung totoo nga ba itong mga nangyayai. Dahan-dahan kong ginawa iyon at bigla naman siyang umalis at pumunta doon sa mga taong nagsasayahan.

Mabuti nalang at may kapirasong tela akong napunit doon sa salong niya.

Naglaho na siya sa paningin ko hanggang sa...

Nagising na ako na umaga na.

*****

Sariwa parin sa utak ko yung pangyayari kagabi.

Dahil yun kaagad ang pumasok sa isip ko nang magising ako ay agad akong bumangon at tiningnan at itim na salong ng asawa ko na nakapatong sa higaan namin.

Laking gulat ko na meron itong kapirasong punit na siyang pinunit ko kagabi.

.

.

.

.

Lumabas ako ng bahay.. Hinanap ko ang asawa ko.

Sa sobrang paghahanap ko sa kanya ay nagtanong ako sa iilan naming kapit-bahay.

.

.

.

Nabalitaan ko na merong bangkay na kakalibing lamang kahapon ang nawawala. Bukas na kasi ang libingan nito ng makita ng mga tao. Walang natira kundi ang kabaong nito.. Kabaong nalang ang natira.

Agad na akong pumunta sa bahay namin at kinuha ang mga gamit ko at agad-agad na umalis.

Hindi ko na inisip pa ang asawa ko basta ang iniisip ko lang ay ang makalayo sa kanya.

Bumalik ako sa pamilya ko sa Antique at naghanap ng trabaho.

*****

Hanggang ngayon di ko parin nakakalimutan ang pangyayaring iyon. Nasusuka nalang ako kapag naiisip ko na nakakain ako ng bangkay ng tao.

*****

End of Story # 6.

☺☻☺

Hello readers!!! Hehehe.. Sorry dahil ngayon lang ulit ako nakapag-post ng one-shot story.

Votes and comment po ahh!


Philippine Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon