Senyas

102 3 1
                                    

Story #8: Senyas

(BASED ON A TRUE STORY)

Aleng Medyos
-- Isa siyang kilalang albularyo sa barangay namin. Hindi lang sa barangay namin kundi pati narin sa buong lalawigan ng Antique. Lahat na klase ng sakit na posibleng kagagawan ng kababalaghan ay kayang-kaya niyang gamutin.

Ngunit sa hindi niyang inaasahang pagkakataon, nakita niya ang kapalaran ng isang taong minsan ring nagpagamot sa kanya, sa madaling salita, nakita niya ang senyas ng KAMATAYAN ng lalaking iyon.

Narito ang buong kwento...

-----

Pumunta sa bahay ni Aleng Medyos ang isang lalaki upang magpagamot ng kanyang sakit na kahit ang mga doktor ay hindi kayang matukoy ang tunay niyang karamdaman.

Isang hawak lang ni Aleng Medyos sa kamay ng lalaki ay alam na niya ang sakit nito. Ngunit para sa kanya ay hindi iyon sakit. Ito ay kagagawan ng isang engkanto. Nalaman niyang meron itong isang bagay sa loob ng kanyang noo. Upang malaman kung ano nga ba ang bagay na iyon ay ginawa na niya ang dapat gawin upang matanggal iyon.

Kinuha niya ang kanyang mga gamit na kahit ang pasyente niyang lalaki ay hindi alam kung ano ang mga iyon.

May kinuha siyang likido na nasa loob ng bote at ipinahid iyon sa noo ng lalaki.

Hindi maipaliwanag ng lalaki kung anong klaseng likido iyon dahil kahit ang amoy nito ay hindi niya matukoy.

Matapos ipahid ni Aleng Medyos ang likidong iyon sa noo ng lalaki ay kumuha siya ng bulak na halos kasing-laki ng isang kamao.

Pinatong niya iyon sa noo kung saan niya ipinahid ang likido at dahan-dahan itong hinihila.

Habang hinihila ni Aleng Medyos ang bulak ay kitang-kita sa mukha ng lalaki ang sakit na parang tinutusok ng matulis bagay.

Matapos makaranas ng sobra-sobrang sakit ay tila nabunutan ng tinik ang lalaki. Pinakita ni Aleng Medyos ang kanyang nakuha sa noo nito.

Apat na piraso ng mga matutulis na bato.

"Ipinasok yan ng isang engkanto na sa tingin ko ay naistorbo mo. Iwasan mo nang pumunta sa mga lugar na hindi pamilyar sa'yo."

"Salamat po. Medyo nawala na nga ang hindi ko maipaliwanag na sakit na nararamdaman ko kanina." Sagot ng lalaki kay Aleng Medyos sabay abot nito ng kanyang bayad. Tinanggap din naman iyon ni aleng Medyos.

Aalis na sana siya ng pinaalalahanan siya ng albularyo.

"Hindi nakakabuti na magmaneho ka ng motor sa ngayon, may kasama ka pa naman. Mas mabuti sigurong huwag muna kayong umalis at hintayin munang tumila ang ulan bago umalis."

Dahil sa pagmamadali ay hindi na siya nagpapigil pa.

"Ayos na po kami. May kapote naman kami kaya hindi kami masyadong mababasa."

At nagmaneho na ang lalaki.

*****
Makalipas lamang ang halos isang oras, habang kumakain ng hapunan ay nakaabot na kay Aleng Medyos ang balitang may nahulog na motor sa tulay ng Calaugan. Patay ang lalaking nagmamaneho habang sugatan naman ang angkas nitong babae na asawa nito.

At nalaman din niyang ang naaksidenteng iyon ay ang lalaking nagpagamot sa kanya kanina lang.

Hindi na siya nagtaka. Alam niyang may mangyayaring masama sa lalaking iyon at pinaalahanan na niya ito ngunit hindi niya parin napigilan ang pag-alis nito.

Habang lumalabas kasi sila ng bahay niya ay nakita na niyang wala ang kalahating katawam ng lalaking iyon.
Sa pagkakalam niya, senyales
na iyon na may mangyayaring masama dito o di kaya'y,

Senyas na iyon ng KAMATAYAN.

P.S.  Ang tulay na nabanggit po sa story ay ang tulay sa story#3.

Philippine Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon