CHAPTER TWENTY-NINE

12 4 0
                                    

“CIPHER’s Eye


BUMALIK na kami sa covert ng grupong kinabibilangan ko ngayon. Wala naman kaming napala sa pagpunta namin sa siyudad. Wala na kaming ideya kung sino ang dumukot kay Eleneor. Seems like we are now searching for a ghost. All we have to do now is to accept that our first mission failed. What a sad and tiring day.

“Nahanap niyo na ba?” tanong ni Clifford nang magkita niya kami sa Hallway.

Parang pinagsalukban ng langit at lupa ang mga mukha nina Dwell at Denchi dahil wala kaming ibang ginawa kundi ang tanungin lang ang batang si Reynard.

“Don’t be sad you little piece of shi— I’m sorry,” pagpuputol ni Clifford sa kanyang sasabihin sa dalawa, “mayroon pa naman tayong anim na araw para mahanap si Eleneor.”

Sa pagsasalita ngayon ni Clifford ay naninibago ako. Hindi kase ako sanay na mabilis siyang magsalita dahil noong una ko siyang makilala ay madalang itong magsalita sa amin at sa kanyang kagrupo.

“It’s easy for you to say. Wala na kaming ibang ideya kung saan hahanapin si Eleneor,” sagot ni Dwell at tumungo na sa Dining Room ng bunker at agad na kumuha ng pagkain. Gabi na kase nang makarating kami dito. Nakakapagod naman kaseng maglakad at iyon lang ang ginawa mamin maghapon.

Umupo ito at napabuntong hininga dahil sa pagkadismaya sa aming pagpunta sa siyudad. Umupo na rin kami at sinabayan sa pagkain si Dwell. Nandoon sa dulo ng Dining Room ang kanilang Empress. Kumakain din ito habang inalalayan siya ng kanyang mga alalay sa pagkain. Sila ang bumibigay ng mga kutsara at tinidor at sila rin ang naglalagay ng tubig sa kanyang baso.

Nang magtama ang aming mga paningin ay agad niya akong tinignan ng masama. Alam ko kase na hindi pa rin niya nakakalimutan ang ginawa ko sa kanya. Muntik ko na siyang matusta. Hindi ko na inisip pa ang mga bagay na iyon at itinuloy ko nalang ang aking pagkain.

Nasa isang plato ko ang isang vegetable salad na mayroong cabbage, bell pepper, crushed boiled eggs corn, at tomatoes. Nasa pangalawang plato ko naman ang limang piraso ng cutlets at isang piraso ng saging.

Nang kakagatin ko na ang isang cutlet ay nahagilap ng aking mata ang pagpasok ng Five Death Pillars. Napatigil ang lahat nang makita nila ang lima na pumasok para kumain. Ganito nalang lagi ang senaryo kapag nakikita nila ang grupo. Mayroon na naman silang dalang mga pera at ibinigay ito sa Empress. Napangiti ng napakalapad ang kanilang Empress at nang makita ako ni Krayken ay biglang uminit ang kanyang ulo. Binigay niya ako ng matalim na tingin na agad ko namang ikinaiwas ng tingin. Hanggang kailangan niya balak akong kamuhian?

Isa-isa silang umupo sa isang lamesa na para lang sa kanila. Bigla kong naalala ang bawat deskripsyon tungkol sa kanila. Ang una kong naalala ay si Trevor Ronin. Kung tama ang pagkakaalala ko ay isa siyang bihasa sa pag-hack ng kung ano-ano. Kaya nga siya binansagang Cipher.

“Guys, Is Trevor a nice guy?” tanong ko kanila na agad naman nilang ikinagulat.

“What do you mean?” tanong sa akin ni Dwell.

“Mukhang matutulungan niya tayo sa ating misyon.”

Nabilaukan naman si Denchi sa aking sinabi at nakita ko si Bain Cane na halos mamula na sa kakapigil sa pagtawa dahil nakita niya si Denchi na halos mamatay na sa kakaubo.

“Are you out of your mind?” tanong sa akin ni Dwell.

“Well, I’m not,” sabi ko. Ngumiti ako ng sapilitan sa kanya, “Well, maybe I’m sort of crazy.” Binigyan ko sila ng pilit na pagtawa at agad na tumayo papunta sa kinaroroonan ng Five Death Pillars.

Pilit akong pinigilan ni Dwell pero hindi ako nagpapigil. Lahat sila ay nag-aalala sa puwedeng maging mangyari kapag nakausap ko ang isa sa myembro ng kanilang hinahangaan na grupo. Hindi naman ako naghahanap ng away. Ang tanging gusto ko lang ay makahingi ng tulong. Mukhang hindi naman yata ako matatanggihan ni Trevor dahil myembro rin ako ng RAPSCALLION.

HORSESON [ UNDER REVISION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon