Chapter 58: Saving them (part 1)

4.3K 90 0
                                    

[A/N: Namali ako XD Sa first extra chapter pala nabanggit ni Cherry yung name na Lark as Kaidee's Dad. Hahaha! Sorry~ Nagkakamali lang :p Well, enjoy reading ^^*]

Miggy's PoV

"Hmmm..." -ako habang nakapangalumbaba.

"Hmmm..." -Patrick sabay humiga sa sofa.

"Hmmm..." -Jayson tapos kumagat sa french fries.

Nagtataka kayo kung ano ginagawa namin no? Nag-iisip kasi kami kung bakit kinuha si Matt eh matinong nilalang yun. Isa't kalahating engot lang XD

Don't get me wrong. Wala akong galit dun. Kahit sasaglit pa lang kaming tropa, close na kami nun. Haha!

"Posible kayang may palihim na kaaway yung lintek na yun tapos nilihim satin?" sabi ni Patrick.

"Pwede pwede.." sabi ni Jayson "..kung meron nga, amp! Sino kaya? At ano reason?" dagdag nya

"Naaangasan? Alam nyo naman yun, gwapong gwapo sa sarili. Hahahaha!!" simpleng sabat ko. Bakit? Totoo naman ah. Yun naman reason madalas ah.

"Hindi eh. Kay Kaidee lang naman nagyayabang mukha yun" sabi ni Jayson tapos sumimangot.

"Bakit tol? Selos ka?" nakangising sabi ni Patrick. Hahahaha! Loko to XD

"Lul" sabi ni Jayson tapos binato ng tsinelas si Patrick.

"Babae." sabi ko ulit.

"Tama! Babae nga! Baka nga may nagkakagusto kay Kaidee!" sabi ni Jayson. Nanahimik bigla si Patrick.

"Oy nanahimik ka ata?" pagpansin ko kay Pat. Umiling sya "Sobrang posible" sabi nya. Ano daw?

"May kilala ka bang may gusto kay Kaidee?" tanong ni Jayson. Tumango si Pat "Oo. Pero p*ta imposible na magawa nya yun. Ang tino ng lintek na yun eh."

"Ewan ko sayo" sabay naming sabi ni Jayson.

"Ang lihim masyado nun ni Kaidee" sabi ni Patrick bigla.

"Oo nga. Wala nga akong alam dun masyado eh. Alam ko lang sya si Kaidee, asawa ni Matt. Period." sabi ko.

"Kahit ako eh. Sabi ng teacher namin 9 daw bunganga ng mga babae. Bakit kaya sya hindi?" seryosong sabi ni Jayson.

"Tngna mo. Siyam? HAHAHAHAHAHAHA!!" tapos tumawa kami ni Patrick. Hahahahahahaha!!

"Eh yun yung sabi ng teacher ko eh!" depensa ni Jayson "..Tingnan mo yung kambal pati si Jill, sobrang ingay. Kaya sure akong siyam mga bunganga nung mga yun"

*plok*

*plok*

*plok*

Sabay sabay kaming napahawak sa ulo namin "Awts. Shet sino bumato sakin nito?!" sabay din namin sabi.

Bigla namang lumabas si Jill sa kusina "Siyam pala huh" tapos akmang kukuha na naman ng bato ng magsitakbuhan na kami.

Matt's PoV

Nakamasid lang ako dun sa matandang nag aalaga kay Sho. Baka kasi saktan nya si Sho dahil inutos ng walanghiyang peste na yun. Kahit alam kong wala akong magagawa.

Nangangalay na rin ang mga kamay ko. Kanina nasa upuan ako nakatali ngayon nakasabit na ako sa pader at nakakadena yung paa't kamay ko. May bimpo din ang bibig ko kaya hindi ako makapagsalita.

Ginalaw galaw ko ang kamay ko. Ang sakit. Pakiramdam ko mapupunit na kamay ko. Peste. -_-

Napatingin sakin yung matanda at naawang tumingin sakin. Iniwas nya ang tingin nya at tumalikod sakin.

My Angel DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon