<<Kaidee’s POV>>
Hohohohohohohohoho….
Ngayon ko na gagawin ang plano ko..
Ang planong pag puksa, or should I say, pagpatay kay Door Matt.
Mwahahahahahahahahahahaha !!!
.
Tiningnan ko yung nasa may kamay ko.
Tsk tsk..
Hiningi ko pa ito kay Sister Megan bago kami umalis. At hindi nya alam to.
Napangisi naman ako ng palihim atsaka umakyat na papuntang kwarto nya dala dala ang basket na may lamang pangpatay sa kanya.
Tsk.. tsk…
Akalain mo yun?
Nag eexist pala ang tulad nya sa mundong to?
Akala ko kwentong barbers lang yun -,-
<<Matt’s POV>>
Lalalalalalalala~~~
Masaya na ako dahil masaya si Kaidenggoy ngayon.
Hehehehehehe…
Nag toothbrush at nag shower muna ako bago matulog tapos after nun, nag laro muna ako ng flappy bird sa cellphone ko dahil hindi pa naman ako inaantok.
Nung nakaramdam na ako ng antok ay tinigilan ko na yung paglalaro.
.
Nang malapit na akong makatulog ay biglang may nagbukas ng malakas sa kwarto ko.
Pag tingin ko ay si Kaidenggoy lang pala.
"Kaidenggoy, anong--" di pa ako tapos magsalita ng sabuyan na nya ako ng, holy water?
"Our Father, Who art in heaven *saboy sakin ng holly water*"
"Kaidee a--"
"Hallowed be Thy Name *saboy ulit*"
"Tam--"
"Thy kingdom come *saboy ulit*"
"SINABI NANG TAMA NA EH!" napasigaw na ako dahil sa ginagawa nya.
Anong akala nya sakin nasasapian at may pa- our father our father pa syang nalalaman!
Naningkit ang mga mata nya tapos may kinuha sya dun sa basket na dala nya.
Bawang?
"Mamatay ka nang impakto ka!!!!!!!!" sabi nya sabay bato nun, take note yung buong bawang ha!
"aray! Tama na-- oww! Di ako-- Ahh! ANO BA?!" sabi ko tapos tumayo ako at nilapitan sya at hinawakan ang dalawang kamay nya .
Naningkit ulit ang mga mata nya.
"BAKIT DI KA NAMAMATAY?!" tanong nya sakin. So wish na nya na mamatay ako? :(
"B-bakit g-gusto mo ko m-mamatay?" tanong ko sa kanya.
“KASI IMPAKTO KA! DAPAT SAYO NAMAMATAY!” sabi nya sabay saboy ulit sakin ng holy water. Tsk… Ang lakas nya talaga! Hawak ko na yung kamay nya eh!
BINABASA MO ANG
My Angel Demon
Action[HINDI PO ITO FANTASY AT LALONG-LALO NAMANG HINDI TO HORROR KAYA BAGO NYO PO ITO IGNORIN, PAKI BASA PO MUNA ^_^] This story is about a type of cold yet pretty and lovable girl who met and married to her oh-so-called 'prince charming' at their young...
