Chapter 59: Saving them (part 2)

4.5K 91 1
                                        

Matt's PoV

Nag gagalaw galaw ako at pilit na nagsasalita ng makita kong kinuha nila si Sho sa matanda at inilagay sa basket. Pagtalikod nung lalaki, biglang umiyak si Sho kaya lalo akong nagpupumiglas. Sht! Yung anak ko baka sinasaktan nila!!

Bigla namang may lumapit saaking lalaki na malaki ang katawan "Matulog ka daw muna" then sinuntok nya ko ng malakas. And everything went black.

Kaidee's PoV

Pinark ko ang motor sa medyo malayong lugar. Hindi nila to mahahanap agad dahil gubat ang pinagtayuan ng mansyon na iyon. Remember?

Nung malapit na ko, dadaan sana ako ulit sa guard house [Wag kang dadaan jan] sabi nung nasa earpiece ko.

"What?"

[May mga land mines dun]

Napairap na lang ako at umakyat sa isang puno malapit sa mataas na pader na to. Nung nasa taas na ko, kitang kita ko kung ilang lalaki ang nasa tapat ng pinto. Sht. Ang dami.

Kinuha ko yung isang hand gun na nasa bulsa lang ng jacket ko at binaril yung isang lalaki na nakaupo sa guard house. Napansin nung isang lalaki na dito galing ang nagpaputok kaya may iilang nagpaputok sa gawi ko. Niyakap kong maigi yung puno at umikot ako para maiba posiyon ko para di nila ako mataaman. Pinagbabaril ko silang lahat then chineck ko ang paligid bago ako tumalon at bumaba sa puno.

[Nice shot] kumento ng alagad ni Dad pero di ko yun pinansin. Naglibot ako sa labas ng mansyon para maghanap ng pwedeng pasukan.

Bigla namang may bumukas na pinto sa likod nitong bahay. Nagtago ako sa likod nung pinto at nung nakalabas na yung nagbukas, hinila ko yung lalaki sa likod ng damit at pinned him against the wall then binaril sa tyan yung lalaki.

"W-wag mo ko sasaktan.." mahinang sabi nung matanda na nasa gilid ko. Napakunot ang noo ko at hinila sya papasok ng makita kong hawak nya ang isa sa mga bote ng dede ni Sho "Nasaan yung bata?" tanong ko sa matanda.

"H-hindi ko alam.. K-kinuha sya sakin ni Sir" sagot nung matanda. Napasuntok ako sa pader. Ptragis! Nasan yung anak ko?!!

"Anong pangalan ng Sir mo? Sabihin mo sakin!!" tapos hinawakan ko sa magkabilang balikat yung matanda. Umiling sya bilang sagot "H-hindi ko alam"

Binitawan ko yung matanda then tumakbo na ko pataas. Napatigil ako sa pag akyat ng nakarinig ako ng pagsabog sa main gate nitong mansyon. Tss.. Si Dad yun! Takte ang kulit. -_-

Nasan na kaya si Sho? Si Matt? Sht.

Naglakad pa ko papaakyat ng dahan dahan [May nag-aabang sayo ja--] di na natuloy sinasabi nya nung "Ah sht!" napasigaw ako at binaril yung sumunggab saakin sa likod. Tumalikod ako at binaril ko rin yung iba pang kasama nya at tumakbo ako.

Napaluhod ako at sumiksik sa pagitan ng mga statue. Damn. Nahiwaan pa ko sa balikat!

Sumiksik ako lalo nung may makita akong lalaki na papalapit sa pwesto ko. Babarilin ko sana sya kaya lang fvck wala ng bala! No choice amp. Kumuha ako ng bwelo at full force kong ibinato sa lalaki yung baril. Sapul sa ulo. Nung bumagsak na yung lalaki, nilapitan ko sya at binalian ng buto sa leeg.

"AYUN!" napalingon ako ng may marinig akong sigaw sa kanan ko. Tumayo ako at tumakbo.

Miggy's PoV

Naabutan naming tahimik na nakayuko yung kambal sa may living room nila kaya alam kong may problema sila. Nilapitan namin yung dalawa.

"Anong problema?" tanong ni Jill. Tumingin yung kambal saamin "Ready ba kayo?" Napa-'huh?' kami sa sinabi ni Cherry.

My Angel DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon