[A/N: Ang timeline pong ito ay 4 years after ng Epilogue :) Nagegets nyo po ba? Peace po ^_^]
Matt's PoV
[Hoy unggoy, di man lang ba kayo mags-stop over?] sabi ni Jayson over the phone.
"Hoy ka din. Hindi na muna, natutulog pa sila e. Dun na lang siguro kami mamimili" sagot ko.
[Ge. Una na kayo]
"Ge. Sabihan mo na din sila Jill. Tutal masipag ka naman tumawag"
[Unggoy! Psh. Ge bye] then he hang up.
Napatawa ako ng mahina at nakangiti akong ngdadrive habang pasulyap sulyap ako sa mag-iina ko na mahimbing na nagsisitulog.
Pupunta kasi kami ng probinsya namin kasama ang mga family namin pati na rin ang Barkada. Every year kasi, dapat may isang lugar kaming pupuntahan at magbabakasyon doon. So bale ang napagkasunduan ay sa probinsya namin which is nandun ang lolo't lola ko.
"Hmm.. Bakit? Gusto ko to"
Napatingin naman ako kay Sho nang magsalita sya. Haha! Tulog pa pala to :D Tumigil muna ako at inayos ang kumot nilang dalawa.
"Hmm Matt? Bakit tayo nakatigil?"
Napatingin naman ako kay Yame. "Hehe. Gising ka na pala"
"Hindi. Tulog pa ko." at nakita ko na naman ang famous poker face nya "...so bakit nga tayo nakatigil? May nangyari ba?"
"Wala naman. Inayos ko lang yung kumot nung dalawa. Baka kasi nilalamig na sila" tapos inistart ko na yung kotse at nag drive muli "Yame dun na ba tayo mamimili ng mga pagkain or mags-stop over pa tayo?"
"Dun na lang" tapos tumingin sya sakin "Okay ka pa ba? Palit na tayo. Ako naman magdadrive" she said.
"No okay lang. I can manage." tapos nginitian ko sya. She smiled back at nagpatugtog na lang.
~~~~
"DAGAAAAAAAAAAAAAAAAT!!!!" sabay sabay na sigaw nila Sho at Althea (anak ni Olga) along with John ( isa sa kambal na anak nila Blossom at Patrick) habang tumatakbo papalapit sa dagat. Pagkababang pagkababa nila, ay nagsisigaw agad sila sa sobrang excitement.
"Althea! Sho! John! Bumalik kayo rito!" sigaw ni Mommy sakanila. Agad na bumalik naman sila dito at tila nag uunahan pa.
Napatawa naman kami at kanya-kanya na kaming pag-aasikaso ng mga gamit namin na nasa mga sasakyan pa namin.
"Masyado kasing excited! Tingnan mo ko, behave lang" saway ni Josh (kakambal ni John) kay John pagbalik nito. Minsan napagkakamalan naming bakla si John dahil madalas itong magpout at magmaktol na parang babae. Sabi ni Patrick, namana lang daw talaga nito ang ugali ni Blo habang si Josh naman ay hating hati sa namanang ugali sa magulang nya.
BINABASA MO ANG
My Angel Demon
Action[HINDI PO ITO FANTASY AT LALONG-LALO NAMANG HINDI TO HORROR KAYA BAGO NYO PO ITO IGNORIN, PAKI BASA PO MUNA ^_^] This story is about a type of cold yet pretty and lovable girl who met and married to her oh-so-called 'prince charming' at their young...
