HIRAM

13 0 0
                                    

"HIRAM"
-TATAK SHAIRA

Una sa lahat ay hindi ako,
Sa bawat minuto,
Sa bawat pag inog ng mundo,
kalbaryo ang sakit nito.

Sa aking madilim na daanan,
Nag lalakad ng walang patutunghan,
Nag babalik tanaw sa nakaraan,
Sa matatamis nating pinagsamahan

Hindi ko inakala,
sa likod ng matatamis mong mga salita,
Ay isang huwad na ikaw ang nag kukubli,
sa katutuhanan na aking minimithi,

Ang bawat pangako mong binitawan,
Ay siyang pag asa ko sa bawat salita mong iniwan,
At ako'y nagising sa katutuhanan,
Na ikaw pala ay hindi akin at hiram lang,

Sa lahat ng bagay ako'y PANGALAWA,
kahit sa iyong mga mata,
Hindi ako ang iyong nakikita,
Dahil siya, siya ang na una.

Ang bawat hilagpos ng aking hikbi,
ang mag sakit na nakaubli sa bawat kung ngiti,
Sa bawat malamig na gabe,
ay ang pag saboy saakin ng pighati,

Kahit ang kalawakan ay saksi,
ang pag tulo ng luha kahit iwaksi,
Ang tanglaw ng buwan sa dilim,
Dinadama ang sakit nga inaangkin

Pilit ka ng  binawi sa akin,
kahit ayuko mang aminin,
Mahal manatili ka lang sa aking piling
pag susumamo ko sana'y dinggin

Kahit totoo ang aking hangarin,
masakit mang tanggapin,
Kailangan kun unawain,
kailanman, ikaw ay hini magiging akin.

Spoken Poetry Of SHAIRA RIPALDAWhere stories live. Discover now