“TANIKALA”
-Shaira Ripalda
Sa ma pang husgang mata ng lipunan,
Saan nga ba dapat lumugar ang kababaihan?
Kelan nga ba magiging patas ang labanan?
Kelan nga ba kami pakikinggan?
Isang hakbang ng paa,
Hindi pa sigurado kun aatras o aabanti ba?
Takot ang namamayani sa kalooban
Gusto na lamang mag kubli sa kadiliman
May tanikalang nakatali sa liig
Sa lalamunan may malaking bukol na naka bikig,
Mga matang luhaan ay naka piring
At mga paa at naka bitin
Ang pang mamata at pan huhusga
Sa bawat kilos ay mali lamang ang nakikita,
Sa kanila ay babae ang siyang mahina,
Sa kahit sino man, ang babae ang siyang kawawa,
Sino nga ba ang nag luwal sayo? Dibat babae?
Sino ang unang guro mo? Dibat babae?
Sino ang totoong may pag mamahal? Dibat babae?
Sino nga ba ang kayang tumayo sa mga paa? Dibat kaming mga babae?
Ang kababaihan nga ba ay mas mababa sa sino man?
Kami nga ba ay desinyo lamang sa lipunan?
Kami nga ba ay pambahay lamang?
Hindi! Isang malaking kasinungalingan!
Kami ay babae at lakas ng sangkataohan
Kami ang haligi at ilaaw ng lipuanan
Kami ay hindi hadlang sa kaunlaran ng ating bayan
Kami ang daan patunga sa tamang kalakaran
Imulat ang mata at magising sa katotohanan
Kami ay babae at hindi basta babae lang
Kaya rin naming makipag sabayan
Kaya rin naming kusang lumaban
Hindi namin kailangan ang inyong pang huhusga
Sa inyong pamamaliit sa amin ay tama na
Pagod na kaming mag timpi at lumuha
Oras na para sa kadena ay lumaya
Saksi ang boung kalawakan
Sa aming angking katapangan
Wag nang mag bulag bulagan
Ang babae ay isa sa pag asa ng bayan
Ano mang uri nga karahasan
Ang ating maranasan sa lipunan
Hindi ito magiging batayan sa ating katauhan
Tayo ay babae, at hindi basta babae lamang
YOU ARE READING
Spoken Poetry Of SHAIRA RIPALDA
PoetryThis is the compilation of my written and composed poetry ❤️