#1: Sana ako ang Nutrisyon

26 1 0
                                    

Sana Ako ang Nutrition
12-Corel


Leron-Leron aking sinta
Masakit pero ikay aking pinapalaya
Dala dala moy aking puso
Sisidlan mo sana
Ngunit pagdating sa dulo
Nabali ang ating pagsasama
Akoy kapus kapalaran
Iniwan mo para sa iba😭

Isa na namang hugot nitong Binibining sawi at makata
Umaasa na baka sakali may dumating na biyaya
Buwan na naman ng Nutrition
Para sawing RELASYON
Pusong sing pait ng ampalaya
Para sa mga taong na Friend zone at nagpalaya,

Akoy isang munting bahay kubo at sawi,
Sayo'y maraming babarng nakapalibot at sarisari ,
Sa kanila palang akoy talo na,

Binigyan kita ng klabasa,
Para kahit kunti luminaw ang iyong mata,
Baka sakali Makita mo ang aking halaga,
Ngunit hindi parin pla,

Binigyan kita ng mangga,
Na kasing asim ng iyong nararamdaman,
Ngunit umaasa akong baka mapalitan ng matamis nating pagmamahalan,
Ngunit hindi ka pala kumakain nun,

Kaya pinilit kung itinuon,
Sa iba ang aking atensyun ,
Ngunit bakit ganun?
Ikaw parin ang kailangan kong Nutrisyon,

Kaya heto na namn ako,
Balik sa pagiging munting bahay kubo,
Ito ng palang sitaw para sayo,
Pampahaba ng pasensiya mo,
Para sa pang araw araw na pangungulit ko,

"Alam mo bang PECHAY ako?"
Sagot moy bakit sabay ng pagsimangot mo,
"Dahil kaya kong PECHAYahin ang buhay mo"
Pero hindi mo pinansin ang pickup ko,

Kasbay ng pagtalikod Mo,
Ay ang pag harap mo sa taong gusto mo,
At kung Gaano ka kapait saakin,
Siya namang tamis mo sa taong nagmamayari ng iyong pagtingin ,

Lumakad kayo palayo,
At nasa likod niyo lang ako,
Pero ni Minsan hindi mo ako nilingon,
Paano ka nga ba lilingon ,
Kung ang iyong atensyun,
Sa kaniya lang naka toun,

At doun ko naisip ang katutuhanan ,
Para akong n apabayaan na gulayan,
Pupuntahan lang pag maykailang,
Ni hindi man lang ako inalagaan,

Doun ko napagtanto,
Hindi lang pala ako gulayan,
Isa rin pala akong kawawang laruan,
Paasahin, pagsasawaan Saka ako iiwan,

Ikaw Ang Mundo ko,
Masakit nga lang dahil sa Mundo mo,
Isa lang ako sa kuntinenti nito,

Nais kong maging tubig at ulan,
Upang ikay aking diligin,
Para kahit Minsan masabi mong ,
Nang dahil saakin nagbunga ang iyong pinaghirapan,

Nais kung maging haring araw mo,
Para ramdam mo ang init nga pagmamahal ko,
Para rin masabing ako ang bumubou sa araw mo,

Pero lolokohin ko pa ba ang sarili ko?
Kung alam ko naman ang totoo?
Na sa paningin mo,
Isa akong pesting sisira sa tanim n inalagaan mo😔

Kahit ubusin ko pa ang gulay sa bahay kubo,
Kahit maging sino at ano pa ako,
Hindi mo parin makikita ang halaga ko,
Pero umaasa parin ako,
Sana dumating ang araw na to,
Ako naman sana ang Nutrisyon mo,

Spoken Poetry Of SHAIRA RIPALDAWhere stories live. Discover now