Chapter 6

1.2K 31 0
                                    


Baso

"Steph sa inyo ba ulit tayo mamaya?" Tanong ko at saka inayos ang iba't-ibang paint brush na gagamitin namin sa pagpipinta mamaya.

Isang taon na ang nakalilipas ng magsimulang dumalas ang interaksyon namin ni Vin. Ngayon nga ay grade ten na kami nina Jane samantalang si Vin ay first year college na. Kaya naman hindi ko na sya nakikita sa school at minsan na lang nyang sinasamahan si Steph kapag may panggabing lakad kami dahil busy sya sa paggawa ng mga plates.

"Oo, bakit?" May panunukso sa boses nya.

"Miss mo na no?" Dagdag pa nya kaya pinamulahan ang aking pisngi.

"Miss ka na rin non, kaya tara na." Hirit naman sa akin ni Jane.

"Cedric sabay ka na samin." Pagyaya naman ni Rain kay Cedric na ngayon ay classmate na namin. Nagkaroon kasi ng pagbabago sa mga sections may ilang inalis at may ilang dinagdag sa klase namin.

"Sige aayusin ko lang ang gamit ko." Tugon niya at kinuha ang mga libro sa kanyang arm rest.

"Anong ipipinta natin?" Tanong ko kay Cedric na syang partner ko ngayon. Samantalang magkapareha naman sina Jane at Steph, at sina Rain at Regine. Sa una ay tutol syang maging partner si Regine at gusto nyang makipagpalit sa kaklase namin. Ngunit wala syang nagawa noong hindi pumayag si Sir Albert, na syang nag-assign ng ipa-partner sa amin.

"Sabi ni Sir, kahit ano daw na sumisimbolo sa atin." Sagot sa akin ni Cedric. Nandito na kami sa bahay nila Steph. Nilabas na namin ang mga pintura at brush na aming gagamitin at ipinuwesto sa easel ang aming painting canvas.

"Sige ikaw na ang maunang magpinta, dadagdagan ko na lang ang ipipinta mo." Sabi ko at inabot sa kanya ang paint brush. Hindi na nga nya pinatagal at nag-umpisa na sya sa pagpinta. Sa simula pa lang ay namamangha na ako sa paraan nya ng pag-stroke ng paint brush sa canvas. Para bang bihasa na sya paggamit nito. At hindi ako nagkamali dahil ilang minuto lang ang lumipas ay napagtanto kong ang kanyang ipinipinta pala ay mukha ng isang tigre.

"Medyo matagal-tagal pa ito, Sierra. Kung gusto mo ay maupo ka muna doon sa sofa." Tumango ako at sumunod sa sinabi ni Cedric. Kaya lang ay inuhaw ako sa paghihintay kaya naman nagpunta ako sa kusina para kumuha ng tubig. Pagkatapos kong uminom ay tumungo ako sa sink para hugasan ang aking ginamit na baso nang may naramdaman akong presensya sa aking likuran.

When I looked over my shoulder, I saw Vin behind me, his right arm's above my head. May kinukuha na kung ano sa cup board. While his left hand was on the sink, almost touching the side of my waist. I stiffened when I felt his left arm on my back.

Tumingala ako at nakita ko ang pag-igting ng kanyang panga. "Nandyan ka na pala, pagdating namin dito wala ka e." Pagsisimula ko sa usapan para takpan ang kilig na nararamdaman ngayong ganito ulit kami kalapit sa isa't isa.

"Kararating ko lang." Simpleng sagot nya sa akin at pinagpatuloy niya lamang ang pagkuha ng kung ano sa itaas.

"Ah ganoon ba." Iyon na lamang ang nasabi ko dahil hanggang ngayon ay nasa likod ko pa rin sya. Gusto ko na sanang ibalik ang baso sa rack ngunit ipinagpaliban ko na lang iyon.

"Hoy! Ano yan?!" Napabalikwas ako sa sigaw ni Rain kaya naman nahulog ko sa sink ang basong hawak at ito ay nabasag.

Sa pagkataranta ay pinagpupulot ko ang bubog kaya naman nasugatan ako. "Ah!" Napasigaw ako dahil sa sakit.

Kaagad naman akong hinarap ni Vin sa kanya. Hinawakan nya ang magkabilang kamay ko at saka tiningnan ang daliri kong nasugatan dahil sa bubog. Maya-maya pa ay nagmamadaling kinuha nya ang first aid kit. "Give me your hand." Kalmadong utos nya sa akin.

"Hindi, okay lang ako. Malayo ito sa bituka." Sagot ko sa kanya dahilan upang samaan niya ako ng tingin. Kaya naman inilapit ko na ang aking kanang kamay sa kanya.

"Ano ba kasing ginagawa nyong dalawa? Nabubog ka pa tuloy." Mapang-usisang tanong ni Rain habang sinisilip ang kamay kong hawak na ni Vin ngayon at dinadampian ng bulak na may betadine.

"Uminom lang ako ng tubig." Paliwanag ko kay Rain na binigyan lamang ako ng mapaglarong ngiti.

"O sya sige, maiwan ko muna kayo. Vin ikaw na bahala sa sugat nya." Paalam ni Rain at tuluyang umalis.

Nakita kong tapos ng linisan ni Vin ang sugat ko at nilagyan nya na rin ito ng band aid. "Salamat." I said then I smiled.

"Always be careful." Sagot nya sa akin at ibinalik ang first aid kit. Bumalik na rin ako sa sala at lumapit ako sa pwesto ni Cedric. Nakita kong patapos na sya sa ginagawa. Sina Steph at Jane ay may nasimulan na rin. Samantalang si Rain at Regine ay malinis pa rin ang painting canvas.

"I told you ako na ang mauunang mag-paint!" Reklamo ni Regine kay Rain na syang nasa harap na ng canvas, may hawak na paint brush at magsisimula ng magpinta.

"Ako na ang mauuna, baka pumanget pag nauna ka." Sagot ni Rain sa kanya na syang lalong ikinagalit ni Regine.

"How dare you! I said ako na... Sige mauna ka na." Regine said while grinning from ear to ear. Anong nangyari doon? Kanina lang ay nagsisisigaw ngayon kung makangiti sakin ay wagas.

"Hi, Vin!" Kinikilig na bati ni Regine sabay kaway sa likod ko. Napalingon ako pati na si Cedric at nakita si Vin na may dalang tray na naglalaman ng cookies. Kaagad syang nilapitan ni Regine at kinuha sa kanya ang tray.

"Salamat dito, nag-abala ka pa." Masayang sabi ni Regine kay Vin tsaka kumuha ng isang cookie.

Tumayo naman si Rain at inagaw ang tray kay Regine. "Hoy hindi lang sayo yan." Reklamo niya.

"Para kayong mga bata." Puna naman ni Jane tsaka lumapit sa dalawa at kumuha rin ng isang cookie. Natawa na lang kami nina Steph sa pagtatalo ng dalawa.

Maya-maya ay si Steph na ang kumuha ng tray at nilapag ito sa maliit na mesa. "Para sa ating lahat yan. Kumain na muna tayo." Kaya naman nagkanya-kanyang kuha na kami sa cookies.

"Thank you, Vin." Masayang sabi ko kay Vin na ngayon ay nakatayo sa gilid ko. Nakaupo kasi ako sa pinakadulo ng sofa.

Sinulyapan niya ang kamay ko. "Kamusta ang sugat mo?" Tanong nya sa akin.

"Okay na. Hindi na masakit. Salamat uli kanina, sa paggagamot." Tipid lamang syang ngumiti sa akin at iniwan na kami sa sala.

Puting LasoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon