Chapter 23

1.3K 29 0
                                    

Warning: R-18

Sofa

"Bakit kaya hindi niya sinasagot?" I whispered to myself while looking at my phone.

Narito ako sa loob ng Valencia Hall dahil may seminar kanina na ginanap dito ang college department namin. Vin doesn't have classes today so he told me to text him kung tapos na itong seminar para masundo na nya ako. I dialled his number again but still, he's not answering his phone. Nasaan na kaya iyon?

"Ako na lang nga ang pupunta sa apartment niya." Bulong ko sa sarili at saka sinukbit ang aking backpack. Hawak ko sa aking kanang braso ang aking mga libro. Sa kabila naman ay iyong black kong payong. Sumakay lang ako ng karatig jeepney papunta sa apartment niya dahil malapit lang naman sa Barasoain Church iyon.

"Vin!" I called while knocking on his door. Narito na ako ngayon sa tapat ng apartment niya. Kanina pa ako kumakatok pero walang sumasagot. Ang tagal naman nyang magbukas ng pinto.

"Wait lang, naliligo si Vin." Biglang kumirot ang puso ko nang marinig ko ang nagsalita mula sa loob. Sarado pa rin ang pinto pero kilalang-kilala ko ang boses na iyon.

Lumitaw sa bahagyang nakabukas na pinto si Regine. "What do you need?" She's wearing her all white uniform. Uniform ng College of Nursing. Nakabukas ang tatlong butones nito at gusot ang kwelyo. Her hair's a bit messy and there's a smudge lipstick sa gilid ng kanyang labi.

I tried to remain calm even though rage of anger is now building inside me. "Bakit ka nandito?" Tanong ko.

"Vin called me to come over, Sierra. Painitin ko raw sya." Then she smirked. This bitch! Huminga ako ng malalim. I think of happy thoughts. Ayaw kong manakit.

I don't want my anger to consume my entirety. "Sinungaling." I calmly said in a low voice. But I got pissed big time as she laughed heartily. Hinawakan ko ng mahigpit ang mga libro ko.

I know she's just lying. May tiwala ako kay Vin. Hindi nya ako lolokohin para sa babaeng tulad lang ni Regine. Sinungaling ang haliparot na ito. "Why would I lie? Diba hindi nya sinasagot ang mga tawag mo? Cause he's busy licking me. Ang labi ko, ang leeg ko ang dibdib ko. Sarap na sarap sa akin ang boyfriend mo, Sier-"

"Ah!!" Naputol ang iba pa nyang sasabihin at agad na hinawakan niya ang kanyang namamanhid na pisngi. Isang malutong na sampal ang iginawad ko sa mukha nya. I lost my control. I lost my patience. She successfully pulled my last straw.

Ramdam kong nag-iinit na ang aking mga mata. A sign that my tears are now forming and will eventually fall down to my cheeks. But I will not let her see me weak. "Bitch!" Sigaw ko at saka ko sya tinalikuran. Rinig ko ang pagsigaw nya mula sa pinto.

Nang makarating na ako sa kalsada ay agad akong pumara ng jeep. Nag-uunahan na ang luha ko sa aking pisngi. I cannot control my tears from falling now. Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan ba ako ng ibang mga pasahero. Gusto ko lamang na mailabas ko ang sakit na aking nararamdaman.

Dahil ba sa selos nya kahapon kaya nagawa ni Vin sa akin ito? Kung wala doon si Vin, paano nalaman ni Regine na hindi nya sinasagot ang tawag ko?

Niloko niya ako! Ang baboy nila! Nang makarating ako sa bayan ng Malolos ay agad akong nagpunta sa terminal ng jeep na byaheng Bulakan. Hindi ako pwedeng makita ni Lola na ganito. Kailangan ko rin ng taong malalabasan ng aking sama ng loob. Kailangan ko ng kaibigan ngayon. "Steph! Tao po!" Sigaw ko mula sa gate ng bahay nila Steph.

Dito ko pinadiretso ang sinakyan kong tricycle. Hoping that when I pour out to Steph all the pain that I am feeling right now, I will feel better. "Iha, pasok ka." Nanay iyon ni Steph at pinagbuksan ako ng gate. Pagkapasok namin sa bahay ay pinaupo muna niya ako sa sofa.

Puting LasoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon