Chapter 17

1.3K 33 1
                                    

Warning: R-18

Gift

"Ang tagal naman ni Steph." I mumbled at myself while looking at my wrist watch.

Narito ako ngayon sa pool ng Roxas Building at nakaupo sa isang bench dahil dito namin napag-usapan ni Steph na magkita. Ngayon ay birthday ni Vin kaya naman kinuntsaba ko si Steph na i-surprise ang kuya niya. Tatlong buwan na noong simulan nya akong ligawan kaya naman nakapagdesisyon akong sasagutin ko na sya ngayon. Full support naman sa akin si Steph na kahit may klase sya ngayon ay mag-ditch na lang daw siya para matulungan ako.

"Sierra, pasensya na natagalan ako. Nagpa-attendance pa kasi ako sa class mayor namin. Good thing, wala kaming prof ngayon." Steph said.

Tinanguan ko siya at hinawakan ang kanyang braso. "Pasensya na sa abala Steph ah."

"Hoy! Ano ka ba? No worries, I'll do anything para sa pagmamahalan nyo ni Kuya!" Sagot niya na siyang ikinangiti ko.

"Steph, pantay ba? O itataas ko itong banda sa kanan?" Kasalukuyan kaming naglalagay ng birthday banner at metallic curtain sa dingding. Narito na kami ni Steph ngayon sa apartment ni Vin at dahil may spare key siya, hindi na kami nahirapan sa pagpasok.

"Taas mo ng kaunti. Konting-konti lang." Sagot ni Steph habang iminumuwestra sa akin kung gaanong kaliit na adjustment lang ang aking gagawin sa birthday banner.

Dahil pareho kaming may klase kanina ni Steph ay hindi na kami nakapagluto ng ihahaing pagkain para mamaya. Kaya naman bumili na lamang kami ng tig-iisang bilao ng palabok, spaghetti at pancit. Bumili rin kami ng isang dedication cake.

Alas-tres na ng hapon nang dumating sina Cedric, Jane at Rain. Sa una ay nagulat ako na narito si Cedric ngayon ngunit napalitan din yon ng saya dahil kumpleto ulit kaming magkakaibigan. Nakagayak na silang tatlo, hindi tulad namin ni Steph na hanggang ngayon ay naka-school uniform pa rin.

"Sierra, ito ang isoot mo oh!" Maligayang sabi ni Jane sa akin at saka inabot iyong pink latex bodycon.

"Hindi na Jane, meron naman akong dalang damit." Pagtatanggi ko sa alok niya at saka nilabas ang aking jumpsuit. Kinuha naman sa akin ni Steph ang dress na inabot ni Jane.

"Sierra, pag sinoot mo ito maglalaway sayo si Kuya." Natawa na lang ako sa sinabi niya.

Alas-singko na ng hapon nang masilip namin sa bintana ng bahay na paparating na si Vin. Nakapagbihis na ako at hawak ko sa aking magkabilang kamay ang cake. Soot ko ngayon ang binigay na dress sa akin ni Jane.

"Ang hot mo, Sierra! Nakaka-tomboy ka!" Steph exclaimed.

Hapit na hapit kasi iyon sa aking katawan that's why it perfectly hugged my curves. Maiksi lang rin ito kaya naman kita ang aking mapusyaw na balat mula sa kalahati ng aking hita pababa sa aking binti. I'm a bit conscious wearing this because it exposes my cleavage pero sabi naman nila ay maganda raw sa akin ang dress kaya naman ito na ang sinoot ko.

Nilagyan din ako ni Jane ng light make up at inilugay nya na lamang ang maalon kong buhok. Mas humaba na nga ito ngayon at halos umabot na sa aking balakang. Soot ko rin ngayon sa aking pulsuhan ang pink silk scrunchie na regalo ni Vin. Sabi nila Rain na iyon daw ang isoot ko ngayon para match sa pink dress at pink stilettos ko.

"Guys, sabay sabay tayo ah!" Paalala ko sa kanilang apat. Kaya naman nang maramdaman namin ang pagbukas ng pinto ay sabay-sabay kaming sumigaw.

"Surprise! Happy birthd-" Ngunut imbis na si Vin lang ang masorpresa ay nasorpresa rin kaming lima sa nakita. We saw Regine trying to unbutton Vin's school uniform.

"Isang beses lang, Vin. I'll make sure you'll enjoy it. Fuck me now." Mapang-akit na sabi ni Regine kay Vin. Wala siyang pakialam kahit pa nakita nya na naroon kami sa harap nila. Samantalang si Vin ay mahigpit na hawak siya sa magkabilang pulsuhan.

Puting LasoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon