Chapter 15

1.2K 28 0
                                    

Stuffed Toy

"Mano po, Lola Linda." Narinig kong sinabi ni Jane mula sa kusina. Narito ako sa kwarto ko ngayon. Hindi pa rin kasi ako desidido sa ayos ko para sa lakad namin.

"Sierra, lumabas ka na riyan at naghihintay na ang gwapo mong manliligaw." Rain shouted from outside my room and then knocked on my door.

Muli akong sumulyap sa salamin. "Eto na lalabas na." I answered.

I am wearing a white tank top paired with baggy ripped jeans and black converse shoes. Pinatungan ko din iyong top ko ng beige checkered long sleeves. Inilugay ko ang aking buhok at inilagay sa aking kanang pulsuhan ang brown knitted scrunchie na regalo sa akin ni Vin. Pitong piraso iyong niregalo nya sa akin kaya naman magkakaibang kulay at disenyo ang ginagamit ko kada araw.

"Kaya pala ang tagal, nagpaganda pa pala." Panunukso sa akin ni Rain habang pinapaikot ako nang marahan para maipakita ng husto ang gayak ko ngayon.

"Rain, natural ng maganda yang si Sierra. Magkamukha kaya kami nyan." Nakangiting sinabi naman ni Jane at saka hinawak-hawakan ang alon ng aking mahabang buhok. Habang ang magkapatid naman na sina Steph at Vin ay tahimik na nakikinig at bahagyang natatawa sa dalawa.

"O sya lumakad na kayo at dumidilim na." Puna ni Lola. Kaagad naman kaming umayos na lima at nagtungo na sa labas. Nagpaalam na rin kami kay Lola na ngayon ay hinihintay ang pag-alis namin.

"Ingat kayo mga anak." Bilin ni Lola sa amin.

"Ingat din po kayo Lola, lock nyo po ang pinto ah." Paalala ko at saka kumaway.

"Nasaan si Cedric?" Nagtatakang tanong ko sa kanila dahil wala sya ngayon. Kaagad naman akong nilingon ni Rain. Nauuna kasi silang maglakad na tatlo. Samantalang kami ni Vin ay nakasunod lamang sa kanila.

"Salawahan!" Biro ni Rain sa akin na syang ikinatawa ng dalawa.

"Selos na si Kuya nyan." Panggagatong naman ni Steph na ngayon ay tuwang-tuwa sa pang-aasar sa kanyang kapatid.

"Si Cedric umuwi ata sa Cebu, may family gathering." Matinong sagot ni Jane sa aking tanong. Tumango lamang ako at hindi na nagsalita. Samantalang iyong tatlo ay nagsimula nang magkwentuhan.

Tiningala ko si Vin na katabi ko ngayon. Tahimik lamang sya at hindi kumikibo. I hopped a little to move closer to him, our arms are now touching. Hinagilap ng mga daliri ko sa kanang kamay ang kaliwang mga daliri niya. When I felt his pinky finger, I hooked my pinky to his. I saw him took glance at our hands. Sinundan ko sya ng tingin at nakita kong pinipigilan nya ang kanyang ngiti. I chuckled because of his expression. Little did I know, that he will intertwine our hands. His thumb's now drawing invisible circles on mine then he slightly kissed my hair.

"Sa balloon and dart kaming tatlo, kayong dalawa kuya?" Steph asked while smiling as she saw our hands. Narito na kami sa perya. Pista ngayon sa bayan at maraming stall, rides at pagkain na mabibili kaya naman marami-rami ang tao ngayon dito.

Bumaling sa akin si Vin at ako ang kanyang tinanong. "Saan mo gusto?"

"Sa ball and bucket na lang." Tumango lamang si Steph at iniwan na kami ni Vin. Nagtungo na silang tatlo doon sa pwesto ng balloon and dart. Samantalang papunta naman kami ni Vin sa may ball and bucket. Bahagya lamang akong napahinto sa may claw machine nang makita ko ang isang panda stuffed toy.

"Which one do you want?" Tanong nya sa akin sabay tingin sa mga stuffed toy na nasa loob ng claw machine.

"Yung panda na stuffed toy. Kaso di ako marunong nyan e." Sagot ko habang nakaturo at nakatingin doon sa panda na may hawak na puso.

"I'll get that for you." He said as if he's keeping a promise at kaagad na hinatak niya ako roon.

"Talaga?!" Namamangha kong sabi sa kanya.

Ngunit bigla akong nag-alinlangan. "Pero sanay ka ba nyan?"

"I'll do my best." He answered me with full tenacity. Pagkaraan ay pumunta na kami sa token booth. Bumili kami ng limang token at bumalik sa may claw machine.

Nagsimula na nga siya kaagad, he centered the claw on that panda and he immediately hit the button to release the claw. Then he pressed the button one more time to tighten its grip on that panda. Ngunit noong inangat niya na iyon gamit ang joystick ay biglang nahulog iyong stuffed toy. I saw how frustrated he was. He looked at me with droopy eyes. So, I smiled at him implying that it's okay.

"One more try." He said firmly. He really is persistent to get that panda for me. I felt my heart ache all of a sudden. Lalo lang akong nakaramdam ng kakaibang lungkot ng hindi nya ulit nakuha iyong stuffed toy. Niyakap ko sya mula sa likod, my arms are now wrapped around his abdomen then I pressed my cheek on his broad back.

"Tara na, Vin." I whispered behind him. Bute held both my hands that are around his waist and he made me face him.

"No baby, I'll get that." He determinedly said one more time then he suddenly gave me a peck on my lips and hugged me. Nagulat ako sa kanyang biglaang paghalik sa akin.

"Pampaswerte." He said then he winked at me. Nakaramdam ako ng pagkahilo dahil sa ginawa nya at kung paano niya ako tawagin. Buti na lamang ay nakayakap ako sa kanya.

Hinarap nyang muli iyong claw machine samantalanag ako ay nanatili lamang sa may gilid niya. Inulit niya lang iyong ginawa niya kanina. The only difference is that, he tapped the button twice when it is right above that panda. Noong itinaas na nya iyong claw gamit ang joystick ay hindi iyon nahulog hanggang sa makarating sa maliit na butas kung saan bumagsak iyong cute na panda. Napatalon ako at napahiyaw sa saya.

"Gotcha!" Vin exclaimed in glee then he gave the stuffed toy to me. Pagkatapos ay hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at makailang ulit niyang hinalikan ang tungki ng aking ilong.

"Quota ka na ah!" Biro ko sa kanya kahit pa kanina pa ako kinikilig sa mga halik na binibigay niya sa akin.

Puting LasoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon