Epilogue

1.7K 35 8
                                    

Wakas

"Jane nakakahiya! Hindi papayag yon, tingnan mo galit na yata." Rinig kong boses ng isang batang babae habang hinahaltak siya ng dalawa pang estudyante papunta sa booth kung nasaan ako.

"Pre, bata pa yan ah. Child abuse!" Pang-aasar ni Daryll na syang nagdala sa akin dito.

Nang makarating ang babae sa booth ay pinaupo siya sa tabi ko. May pinasoot at pinahawak na kung ano-ano sa kanya ang mga estudyanteng may pakulo ng kasal-kasalang ito.

Maya-maya pa ay binigyan nila kami ng puting ribbon na itatali raw namin sa daliri ng isa't isa pagkaraang sabihin ang,

"I do." Mahina niyang sagot at saka hinawakan ang aking kamay para itali sa aking palasinsingan ang white ribbon na hawak niya.

Ang kanyang mga kamay ay malambot ngunit ito ay nanlalamig at bahagyang nanginginig.

"Now that Sierra and Vincente have given themselves to each other by solemn vows..."

Sierra. Sierra pala ang kanyang pangalan.

"With the joining of hands and the giving and receiving of rings, I now pronounce that they are husband and wife. You may now kiss the bride!"

Inusad ko ang aking upuan palapit sa kanya at marahan kong inangat ang belong tumatabing sa kanyang mukha. Nang matanggal ko iyon ay halos matulala ako sa pagtitig sa kanya.

Maamo ang kanyang itsura. Mistulan siyang anghel.

Ang kanyang pilikmata ay makapal at nakakurba kagaya ng maalon at mahaba niyang buhok. Ang kanyang mga mata ay malamlam at nangungusap na angkop sa kanyang manipis at matangos na ilong. Ngunit ang higit na nakapukaw ng aking atensyon ay ang gatuldok na nunal sa kanyang mapulang pisngi. Parang nakita ko na siya noon.

"Jane, kalabitin mo ako kapag papunta na sya rito ha, baka mahuli niya ako." May halong kaba sa kanyang boses habang binubuksan ang bag ko na nasa ibabang bahagi ng bleacher. Narito kasi ako ngayon sa activity center ng school dahil may training ako sa basketball.

Kinalabit ko siya at nakita kong bahagya siyang napatalon sa gulat. Paglingon niya sa akin ay bakas ang pagkabigla sa kanyang mukha. Kaagad kong hinawakan ang braso niya bago pa man siya makahakbang palayo sa akin.

"What are you doing?" Tanong ko sa kanya ngunit hindi siya makasagot kaya naman nagsalita akong muli.

"Magnanakaw ka no?" Pag-akusa ko sa kanya.

Kaagad naman siyang umiling. "Ah hindi. Hindi, may nilagay lang ako." Natatarantang sagot niya sa akin.

Kaya naman binitawan ko ang braso niya at saka ko binuksan ang bag ko. Laking gulat ko nang nagtatakbo siya palabas ng activity center. Nakita kong may nakatuping puting papel sa loob ng aking bag. Pagbuklat ko noon, nakita kong iyon ay isang love letter. Siya pala ang laging naglalagay ng mga sulat sa bag ko tuwing may training ako rito.

"Hoy kiss na raw." Bulong sa akin ni Daryll. Nabalik ako sa realidad sa pagsiko niya sa aking braso.

So I put my right hand at the back of this little girl's ear then I gently caressed her cheek using my thumb. Nakita kong namula lalo ang kanyang pisngi sa aking ginawa. Sumunod ay hinawi ko ang mga hibla ng buhok na tumatabing sa kanyang maamong mukha. Napako ang tingin ko sa kanyang mga labi. Maliit iyon at may kurba sa itaas na bahagi. Natural ang pagkapula noon at mukhang malambot.

Ang sarap sanang halikan kaso hindi ko gagawin iyon sa batang katulad niya.

How young is she? Trese? Katorse? I don't know.

She's too innocent. She's so pure. Ayokong samantalahin ang kahinaan niya lalo pa at mukhang napilitan lamang siya sa pagpunta rito.

Ngunit napailing na lamang ako nang makita ang kanyang pag-nguso. Kaya naman inilapit ko na ang aking labi sa kanya subalit lumapat lamang ito sa kanyang buhok.

Puting LasoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon