Chapter 34

1.3K 28 0
                                    

Boyfriend

Nagising ako na sobrang sakit ng aking ulo at katawan. Sabayan pa ng isang boses na kanina pa ako tinatalakan. Gusto ko pang matulog pero pilit niya akong isinandal sa headboard ng kama at pinaupo.

"Ano ha? Feeling dalaga ka? Nag-aalala sayo ang anak mo kagabi. Nag-aalala ako sayo. Tapos ngayon makikita kitang ganyan!" Sigaw niyang muli kaya tinakpan ko ang aking tenga.

Tinanggal naman niya kaagad ang kamay ko na naroon. "Haliparot ka! Saan ka galing ha? Sino ang kasama mo at bakit nagkakaganyan ka ngayon?" Pagpapatuloy niya. Lalong sumasama ang pakiramdam ko sa mga pinagsasasabi sa akin ni Cedric ngayon. Nahihilo pa ako. Gusto ko pang matulog.

"Si Vin ang kasama ko." I answered in a low and hoarse voice while massaging my temple. Ang sakit talaga ng ulo ko. I saw him gaped at me like he have heard something unbelievable. Maya-maya pa ay sumampa sya sa kama at umupo sa harap ko.

"Bakit? Saan kayo galing?" Naguguluhan niyang tanong habang niyuyugyog ang balikat ko. Lalo lang akong nahilo sa ginawa niya. Susukahan ko itong baklang to e.

"May nangyari sa amin." Pag-amin ko sa kanya na kaagad niyang ikinabigla.

"Gaga ka! Hindi mo pa nga nasasabi sa kanya na may panganay na kayo, susundan niyo na agad! Malanding ito!" Sermon niya sa akin at saka marahang tinampal ang noo ko. Sabi ko na nga ba at tatalakan ako ni Cedric e.

"I have my depo shot." I said in a weak and low voice while tying my hair now. Hindi na ako nakapagbihis pa kagabi at nakatulog na agad ako pagkarating sa bahay.

"At bakit? Kelan pa? Don't tell me my fuck buddies ka ha, Sierra!" Tinitigan ko siya ng masama dahil sa konklusyon niya.

"Sira! Ganoon ba akong klaseng babae ha, Cedric?" Masungit na tanong ko sa kanya.

"E ano nga? Bakit? Kelan?" Tanong niyang muli.

"Simula noong nakita ko siya ulit. Nagpa-inject na ako, in case na ano... ahm iyon.. tulad kagabi." Nahihiyang pag-amin ko sa kanya, humagalpak naman siya sa tawa at hinampas-hampas pa ako.

"Ay marupok ang lola nyo! Akala ko ba ay babaero na sya ngayon at galit na galit ka sa kanya? Bakit may chorvahang naganap, Sierra!"

"Magjowa pala iyong nakita kong kasama niyang babae, pakulo lang nila iyong nakita ko kasi akala nila napanood ko iyong halikan nila." I explained that made him surprised.

But then he smiled widely. "Oh edi happy family na kayo. Sabihin mo na ang tungkol kay Shan. Alam mo ba kahapon nakita ko syang kinakausap ang picture ng tatay niya." Kwento ni Cedric.

Shan knows about his Dad. Alam niya ang itsura at pangalan nito dahil sinabi ko iyon sa kanya pagkatapos kong malaman na si Vin nga ang tatay ni Shan. Binigay ko sa kanya ang mga lumang picture namin ni Vin. Noong una ay kinukulit niya ako, gusto niya raw makita ang tatay nya. Ang tanging naisasagot ko lamang sa kanya ay may trabaho ito at matagal pang makakabalik. Dahil noong mga panahong iyon ay hindi ko talaga alam kung nasaan si Vin. Kung mahahanap ko ba sya o hindi. At kung may chance ba na makita sya ni Shan.

"Oo sasabihin ko na sa lunes. Hayaan mo muna akong matulog ngayon." Pahayag ko at saka humiga sa kama at nagkumot.

"Teka lang, saan niyo ginawa?" Tanong niya at saka inalis ang kumot ko. Tsismosong ito!

"Sa kotse." Tipid kong sagot at pumikit.

"Mahabaging langit! Nag-live show kayo?!" He asked in disbelief.

"Cedric malakas ang ulan kagabi at madilim. Wala naman sigurong nakakita." I answered, trying to assure him and also myself. Pero paano nga kung may nakakita?

Puting LasoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon