Tagutaguan

6 0 0
                                    

Tagutaguan

Maliwanag ang buwan,

Naka himlay na sa kama

At sayo'y nakikipag biruan,

Wala sa likod wala sa harap

Ang nadarama'y tila ba suntok sa buwan,

Pag kabilang ko ng sampo

Wala na..nahulog na ko sayo

Isa, dalawa, tatlo

Ang bilis yata Ng tagpo,

Kaylan lang nung una tayong nag kita't pinagtagpo,

Mga araw na di ko inasahang

Mahuhulog pala ako sayo,

Apat, lima, anim

Tila nadarama'y lumalim,

Natakot at tinago

Ang nadarama'y nilihim,

Kinabahan na duwag

Sa puso Kong naguguluhan,

Isip at pusoy tila ba

Parehong nag uunahan,

Pito, walo, syam

Tanging ako lang ang may alam

Na sa mga ngiti mo at tawa

Dun ako kumukuha Ng sayang' hinihiram

At kung mapansin mo

At malaman ang aking lihim na nararamdaman

Pwede mo bang dahan dahanin

At wag biglain at unti untihin man lang

Kasi baka umabot na ng sampo.

At tuluyang nahulog na sayo

Pag mulat ko ng mata ang sakit

Kasi bakit tinaguan mo ako?

Ayoko ko nang maghabol at maghanap

Kung asan ba ko sa puso mo?

Kasi ayokong masaktang

pag sinabi na nila..na "Wala namang kayo"

Mga liham na pahina ni AmandaWhere stories live. Discover now