Kapag umabot na sa dulo
at tuluyan na talagang naglaho,
tila isang larawang itinabi
hinayaan at tuluyan nang nanlabo,
tila isang kantang tanda
Ang bawat liriko't tono at mga kataga,
ngunit di mo na maalala
kung san kaylan at sino ang may akda,
sa sandaling tatalikuran nyo na
Ang kung ano mang meron sa inyong dalawa,
unti-unti nyo na rin makakalimutan
kung pano nga ba yung nadama ninyong saya,
kung paano nga ba kayo'y pinakilig
ng mga sandaling akala nyo'y kayo na talaga,
unti unting manlalabo ang larawang
inukit ng alaalang di lubos akalaing mawawala,
at sa bawat pag lipas ng panahon
magagawa nyo na ring baliwalain ang isa't isa,
na daraan ang araw na mawawala
at hindi na mamamalayang ngumingiti ka na,
nasanay ka na yata at ganun din sya
na lakbayin ang araw ng ikaw na lang talaga,
nagagawa nyo nang di alalahanin
na para bang hindi kayo naging parte Ng saya.

YOU ARE READING
Mga liham na pahina ni Amanda
PoesíaHi, Ako si Amanda nag simula ako gumawa ng tula nung mga panahong hindi ko mailabas ang aking nararamdaman. Dito nyo matutulaklasan yung mga bagay na hindi ko masabi.