Pa
Kamusta ka na?
Ako to Yung bunso mo,nalala mo pa ba?
Ok lang kami dito,
Simula nung umalis at tuluyan Kang nawala,
Si mama gabigabi
Ay Hindi.. araw araw syang umiiyak magisa,
Habang kami ni ate
Hinihintay Kung talagang babalik ka pa ba,
Pa nga palaMasarap pala Yung noodles na may malunggay,
Tas yung sardinas
Lalo Kung may mga dahon at talbos ng gulay,
Natamaan ng kidlat pala at
Biglang natumba yung puno sa harap Ng bahay,
Mahina na Yung kahoy
RUMUPOK daw Yung haligi Kasi biglang INANAY,
si ate nakikilaba
Dun sa bahay ng teacher nila tuwing sabado,
Ako naman sa bukid
Nakikipitas Ng sitaw, kalabasa tas minsan mungo,
Si mama nahihirapan
Kasi kaylangang mag tinda ng gulay at mag bukid,
Masakit din pala magpaa kasi
Yung tyenelas ko sira parin kasi kaylangang magtipid,
Balak pala namin ni ate
Mag tinda Ng sopas sa school para may pambaon,
Sabi ni mama konting
Tiis lang daw at pasasaan din at sa hirap makakaahon,
Muntik ko na pala masunog
Yung Kubo natin Kasi nakatulog ako bigla bigla sa lamesa,
Ayun bukod sa napagalitan
Pinalo din ako Kasi naubos lahat Yung gas Ng gasera,
Sabi ni mama sa pasko
Uuwi ka daw kaso pang limang taon na Wala ka parin,
Madalas nakikipasko
Na lang kami kila tita tas pag may handa nakikikain rin,
Sana ok ka lang pa
Miss ka na namin ni ate Kaya Sana umuwi ka na daw,
Madalas kaming nasa
Bintana Hanggang ngayon nag aabang at nakatanaw.

YOU ARE READING
Mga liham na pahina ni Amanda
PoesíaHi, Ako si Amanda nag simula ako gumawa ng tula nung mga panahong hindi ko mailabas ang aking nararamdaman. Dito nyo matutulaklasan yung mga bagay na hindi ko masabi.