Alas dose ng gabi
Di ko talaga mahanap ang paki,
Naupo sa isang tabi
Nag bukas ng pakete't nag sindi,
Bumuga sabay pikit
Biglang ngumiti't tumawa ng pilit,
Pinipilit humithit sabay
tapon ng dulong kinagat at pinitpit,
Nag tanong ng mga "bakit"
Sabay sinagot na may panlait,
Balbas sarado't di nag ahit
Kahit may lansetang di magamit,
Pipigilan kong magalit
At sige tuloy parin paulit ulit,
Sayang ninanakaw
Palihim na pilit paring inuumit,
Sabog na yata sa usok
Sana palaging masaya na lang,
Naiingit sa sira ulo at
Sa mga manhid at mga timang,
Kasi nga daw malamang na
mas maigi minsan ang mangmang,
Kaysa bilanggo na lang
Parati ng di malamang pagkahibang
Mahal kita oo
Pero bakit ako nag pipigil?,
Siguro nga Kahit
lihim ay patago akong sinisingil,
Lumayong walang
Bakas kundi mga tugma sa alapaap,
Simbulo ng pagibig ko sayo
na kikimkimin ko na lang sa'king hinagap.

YOU ARE READING
Mga liham na pahina ni Amanda
PoetryHi, Ako si Amanda nag simula ako gumawa ng tula nung mga panahong hindi ko mailabas ang aking nararamdaman. Dito nyo matutulaklasan yung mga bagay na hindi ko masabi.