Siguro iniisip ng iba
na ito yung kanta..
Ngunit nagkakamali ka,
Pamagat lang yung magka-pareho,
Pero yung laman, ibang-iba.
Parang ikaw at ako ,
Akala ng iba "may tayo"
Pero ang totoo nangangarap lang ako,
Alam kong ayaw mo nang set-up na ganito.
Alam kong anumang oras ay babaliwalain mo na ako.
Alam ko ring malapit ka nang magsawa,
kaya di nako magtataka kung biglang ka nalang mawawala.
"kahit ayaw mo na"
Kanta lang naman yan,
Pero bakit ang sakit pakinggan?
Bakit tagos sa puso kong nararamdaman ang lyriko na kantang yan.
Kahit ayaw mo na
Iyan ang titulo na sati'y tumutugma,
Dahil para tayong tinig na walang tugma,
Ni hindi pa nga nagsimula ay wala na agad halaga...
Kahit ayaw mo na,
Tila bitin ang mga kataga
Ni hindi ko alam kung bakit ka umayaw talaga,
Hindi ko mawari ang kahihinatnan ng ating tula...
Siguro dahil alam ko,
Alam kong dadating ako sa puntong ako naman ang kakanta nito..
Kahit wala naman "ikaw at ako.."
Pero alam mo ba?
Kahit ayaw mo na,
Mahal pa rin kita..
Mahal pa rin kita
Kahit ako yung nagdudusa.
![](https://img.wattpad.com/cover/232675411-288-k427171.jpg)
YOU ARE READING
Mga liham na pahina ni Amanda
PoetryHi, Ako si Amanda nag simula ako gumawa ng tula nung mga panahong hindi ko mailabas ang aking nararamdaman. Dito nyo matutulaklasan yung mga bagay na hindi ko masabi.