i

13 4 0
                                    

Hindi ba kayo napapaisip?

Maikli raw ang buhay... pero bakit napakabagal ng oras?

Sa dulo, lahat ng tao mamamatay din. Kung ganoon, para saan lahat ng ito? Ito...

Lahat ng ginagawa natin sa araw-araw. Bawat oras na ginugugol natin sa bawat paghinga.

Mga bagay na lagi nating ginagawa.

Lahat ng saya, ng lungkot, ng paghihirap, at tagumpay?

Para saan sila?

Para saan lahat ng ito kung mamamatay din lang ako?

Bakit kailangan ko pang hintayin ang dulo, kung pwede ko namang salubungin ito?

Sabi ng ibang nakakaalam ng mindset ko na ito, huwag ko raw isipin ang kamatayan.

Bakit hindi?

Kung iyon ang hantungan, bakit hindi ko pagtutuunan ng pansin?

Bawat segundo, tinatanong ko ang sarili ko ng mga bagay na sabi ng iba, hindi naman daw kailangang isipin.

Wala akong magawa kung hindi ang lalong mag-isip. Mas lalong gusto kong alamin.

Hindi ko alam na sa kakatanong ko, malulunod ako sa pag-iisip.

Hindi ko na magawang umahon.

Hindi ko na mabilang kung ilang papel na ang pinunit at tinapon ko. Nahihirapan akong mag-focus sa pags-solve ng mga formula na sa tingin ko naman ay hindi ko magagamit sa trabaho ko.

Pangalawang semestre ko na sa kursong engineering pero hindi ko pa rin matutunang mahalin 'to.

Akala ko ay magugustuhan ko, dahil hangad ko lang namang patunayan sa magulang ko na kaya kong tuparin ang mga pangarap na hindi nila natupad. Nandito naman ako. Ako na ang tutupad para sa kanila.

Noong una, kaya ko pa, pero narealize ko, hindi pala talaga magiging successful sa bagay na hindi mo naman talaga gusto.

Napabuntong-hininga ako.

Ang kalat ng kwarto ko. Hindi ko ito malinis dahil tinatamad ako. Wala rin namang maglilinis na iba dahil nakikitira lang ako. Sa bahay ng tita ko ako tumutuloy pagpasok ko ng college dito sa Maynila.

Pagod akong tumayo at nag-inat. Parang pagod na pagod kahit wala naman akong natapos.

Dumapo ang tingin ko sa salamin at nakita ang sarili kong mukha. Hindi naman ganito kalalim ang eyebags ko.

Hindi na rin ako mukhang inspired.

Siguro nga, hindi ko na dapat pang pilitin ang hindi para sa akin.

Not Gonna Die Tonight (Vivian's POV)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon