vi

5 4 0
                                    

Hi Lexus!

Diba sabi mo, sulatan kita? Hindi ko nakalimutan. Ito na nga at tinutupad ko na.

I'm sorry.

Alam kong nag-iisip ka kung bakit ako umalis. Kung bakit mas pinili kong mawala na lang.

Kung bakit hindi man lang ako nagsabi sa'yo ng nararamdaman ko. Kung bakit hindi ako lumapit sa'yo kahit lagi naman tayong magkasama nitong nakaraang buwan.

Pero Lexus, wala akong dapat sabihin. Wala akong gustong ikwento.

Matagal ko na itong plano. Matagal ko nang inisip. I'm sorry kung isipin mong ang selfish ko para umalis na lang ng basta.

But this is the first time I've been selfish for myself.

Ito lang ang bagay na kaya kong gawin para sa sarili ko. I believe that my purpose in this life is to die.

Alam kong hindi mo maintindihan, dahil kahit ako ay naguguluhan.

But that's not the reason why I chose to write to you after I left.

Sa una, gusto ko lang tuparin yung pangako kong sulat. Pero na-realize ko, may gusto rin pala akong sabihin sa'yo.

You were my last hope.

But nothing's enough to make me stay. I want you to let me go, Lexus.

Live your life, katulad ng dati mo nang ginagawa noong hindi pa tayo malapit sa isa't isa.

Maging masaya ka para sa akin, kasi finally, malaya na ako. Hindi na ako nag-iisip, hindi na ako napapagod.

Hindi na ako nalulunod, Lexus.

Hindi ko na pinipilit umahon para sa iba.

Kaya huwag mong sisihin ang sarili mo kung sakali, ha? Salamat sa'yo dahil nakapag-paalam ako ng maayos kay Mama.

Salamat sa'yo dahil naging totoong masaya ako sa huling pagkakataon ng buhay ko.

Salamat sa'yo, inisip kong mabuhay ulit sa kinabukasan.

Pero huli na ang lahat para sa akin, kaya hindi ko na pinilit.

Hindi ko alam kung isa ka rin ba sa mga makakalimot sa akin sa paglipas ng mga taon, pero kung mangyari man 'yon, tumingin ka lang sa mga bituin. Naalala mo? Sabi mo, I'm worth millions of star.

Tumingala ka lang. Isa ako diyan. Binabantayan kita. Binabantayan ko lang kayo.

You made me shine at my last moments, Lexus. Kaya the moment after I die, I'll continue shining up at the sky.

Make me your constellation, then name me, Twinkly Viv.

Remember my last words for you, Lexus.

You brought me to my safe haven. I am now happy, so don't make me your sad memory.






With all my love and sparks, your new lost friend,

Vivian Caparal

Not Gonna Die Tonight (Vivian's POV)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon