iv

4 3 0
                                    

Bitbit ang gitara ay nag-commute ako papunta sa resto bar na kinakantahan ko.

Sabi kasi ng doktor ko, para maiwasan kong malungkot, gawin ko ang bagay kung saan masaya ako.

Masaya naman ako habang kumakanta, lalo na kapag nagpapalakpakan ang mga nanonood pagkatapos. Masaya ako kapag alam kong may nakikinig.

Pero alam kong hindi ito magtatagal.

Katulad ng daliri kong nangangalay dahil sa gabi-gabing pagtugtog, parang nagsasawa na rin akong kumanta para sa ibang tao.

Napapagod ako sa mga matang nakatingin sa akin, na para bang isa akong bagay na dapat hangaan.

Hindi ako isang monumento sa isang publikong museyo.

Namamaos na rin ang boses kong mala-anghel kung sabihin nila. Napapagod na akong makinig sa malambing na pagdaloy ng musika, kasabay ng pagpikit ng aking mga mata.

Habang tumutugtog ay hinihintay kong maputol ang string ng gitara.

Hindi ako maka-tiyempong tumigil. Gusto ko nang umuwi.

Pero sabi ito ng doktor ko, at tinitingnan ko kung may magbabago.

Katulad ng dati, sa una lang ako sumasaya.

Napaka-unting oras lang. Hindi kayang magtagal.

Napatingin ako sa mga taong nanonood. Lahat sila, iba-ibang emosyon.

Nakangiti. Namamangha. Nalulungkot. Naiinip. Nagagalit. Nakatulala.

Maging ako ay namamangha sa tuwing isipin kong napakaganda ng pagkalikha sa emosyon ng tao.

Napakarami para magkasya sa isang katawan.

Bumaba ako sa maliit na entablado nang matapos sa huling kanta ko para sa gabing ito.

Siguro huling kanta ko na ngang talaga ito.

Hindi ko na kayang marinig ang anghel na tinig ko, kung iba ang bumubulong sa isip ko.

Not Gonna Die Tonight (Vivian's POV)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon