Tumigil ako sa pag-aaral.
Nag-resign ako sa trabaho.
Naglinis ako ng kwarto.
Binenta ko lahat ng gamit ko.
Ang naiwan na lang sa akin ay ang cellphone, gitara, at ang ilang damit ko.
Umupo ako sa sahig ng veranda rito sa second floor ng bahay ng tiyahin ko. Dito ako nakikitira, at sa tingin ko, aalis na rin ako.
Ngayon ko na ba tatapusin ang buhay ko?
Nakatingin lang ako sa baba kung saan dumadaan ang mga tao. Sa panonood ko ay may nakita akong pamilyar na mukha.
Napangiti ako.
Kailan ba ako huling nakauwi sa probinsyang kinalakihan ko? Parang napakatagal na kahit ilang taon pa lang.
Agad akong bumaba at pumunta sa coffee shop na pinasukan niya. Tahimik ko lang siyang pinapanood. Umorder na rin ako ng cake kasi baka hindi ko na ulit magawa iyon.
Mukhang stressed si Lexus habang nakatingin sa phone niya. Kinuha ko ang sa akin at tiningnan ang social medias niya.
Kaibigan ko siya. Hindi kami close, pero hindi ako naiilang sa kaniya.
Nag-reply ako sa bagong tweet niya, ilang minuto pa lang ang nakalilipas.
Doon nagsimula ang pagkalapit ko sa kanya.
Noong gabing iyon, alam kong hindi pa ako mawawala.
Hindi ngayon kung kailan may nakita akong magbibigay ulit sa akin ng panandaliang saya katulad ng iba.
Noong mga panahong iyon, alam kong kung hindi sa bawat dulo ng araw, sa dulo ng buwan, sa katapusan, doon ako aalis.
Sigurado ako.
Kaya nang tinanong ko siya, tinanong ko si Lexus kung anong gagawin niya sa huling araw niya, nangako ako sa sarili kong gagawin ko iyon.
Kahit na hindi ako siya, gusto ko pa ring masubukan ang bagay na sa tingin niya ay gagawin niya.
Gagawin ko dahil siya ang taong huling magbibigay sa akin ng ganitong kapiranggot na pag-asa na magbabago pa.
Pero mas kilala ko ang sarili kong kagustuhan. Alam kong hindi ako titigil hanggang hindi ko ito nakakamtan.
Aalis ako. Tatakbo, lilipad papalayo.
Ayoko na.
Sawa na ako.
Tinitigan ko si Lexus pati ang mga bituin sa kalangitan na nagsisilbing liwanag sa huling gabi naming magkasama.
Natawa ako kaya napatingin siya sa akin.
"Alam mo, Lexus. Para akong star. Pero yung patay na. Wala na kasi akong shine," pabiro ko pang sinabi sa kanya.
"Sira ka talaga," binunggo niya pa ako sa balikat.
"Pero kung star ka, hindi ka isa lang. Isa kang buong constellation."
"Constellation? Alin dyan?"
"Kahit anong constellation, kasi," napakamot pa siya sa ulo. Sus. Alam ko namang wala siyang alam na constellation kasi puro medical terms ang sinasaulo niya.
"Ganito kasi, Vivian. Para kang constellation kasi kulang ang isang star para i-define ka."
Napalingon ako dahil sa sinabi niya.
Lexus...
"Hindi sapat ang ningning ng isang bituin para tumbasan yung sa'yo. You're worth millions of shining stars, Viv. Always remember."
That night, I was certain.
I'm not gonna die yet.
BINABASA MO ANG
Not Gonna Die Tonight (Vivian's POV)
Short StoryRead "September With You", a one-shot story before reading this. Vivian Caparal. She looked so happy. Why did she take her own life? MOST IMPRESSIVE RANKINGS #2 in #LEXUS #5 in #VIVIAN #9 in #LETTER #95 in #2022 #134 in #STAR