Sa ikalawang taon ng pagpasok ko sa university na pinapasukan ko ay iba na ang kurso ko.
Tinapos ko lang ang second semester ng unang taon, pagkatapos ay nag-shift ako sa kursong polsci.
Sa totoo lang, hindi ako sigurado. Pero sinabi ko sa mga magulang ko na pagbubutihan ko, dahil sinabi ko ring ito talaga ang gusto ko. Hinayaan nila ako at hindi ko sasayangin ang pagkakataon.
Mahilig din naman akong makipag-debate at makisawsaw sa mga nangyayari sa Pilipinas. Makaka-survive ako.
Tama ako.
Gusto ko nga ito.
Ilang linggo pa lang sa unang semester ko sa course ay bumalik ang dati kong ngiti. Natuto akong maglinis ng kwarto. Hindi na rin ako nauubusan ng idea.
Sa mga oras na iyon, inakala kong magbabago ang pananaw ko sa buhay.
Pero hindi nangyari iyon.
Masya ako pero iniisip ko pa rin kung ano ang aabutan ko sa kabilang buhay, o kung meron ba noon?
Sandali lang ang kasiyahan... muli na naman akong natangay sa karagatan ng kalungkutan.
Ang dami kong natututunang bago sa mundo. Akala ko maliwanag na dahil sa mainit na haring araw, pero marami palang naghahangad makuha ang trono nito.
Mga taong may madidilim na hangarin.
Mga kaisipang natatago sa bawat kilos na gagawin.
Nakita ko, pinakita sa akin kung paanong ang minsa'y mala-hardin na mundo ay ginagawang impyerno.
Kapag ginawan ka ng mabuti, bakit kaya hindi na lang ito suklian? Paano natuto ang tao mang-abuso?
Paano ako nagawang ubusin ng sarili kong pamilya... ng mga tinuturing kong kaibigan?
Paano nangyaring naubos ako ng sarili kong pangarap?
Paanong hindi ako makaahon sa pagkalunod sa sarili kong kaisipan?
Kung ikaw ang tatanungin, saan mo gustong magtigil?
Sa buhay na mundo kung saan puno ng masasamang intensyon? O sa patay na kabilang buhay kung saan sinasabi nilang puro kabutihan?
Kahit ako, hindi ko alam kung saan ko mas gusto.
Ang sigurado ako, kahit saan ako mapunta, sa puntong ito ng pagkatao ko, magiging isa akong dakilang makasalanan.
BINABASA MO ANG
Not Gonna Die Tonight (Vivian's POV)
Historia CortaRead "September With You", a one-shot story before reading this. Vivian Caparal. She looked so happy. Why did she take her own life? MOST IMPRESSIVE RANKINGS #2 in #LEXUS #5 in #VIVIAN #9 in #LETTER #95 in #2022 #134 in #STAR