Ang pag Ban ng Korean Drama dito sa Pilipinas

222 0 0
                                    

Usap-usapan sa social media ang ideya ni Senator Jinggoy Estrada na pag ban sa K-drama dito sa Pilipinas. Ibinahagi ni Estrada ang kanyang naisip na ideya sa pagdinig ng 2023 budget ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), noong  Oktubre 12 2022, Martes.  Sinabi niya na minsan nang sumagi sa isip niya na ipagbawal sa Pilipinas ang mga Korean drama at iba pang gawang banyagang pelikula at palabas sa TV sa hangaring palakasin ang mga palabas na gawang Pilipino. 

Sa totoo lang, hindi ako sumasangayon sa ideya ni Senator Jinggoy Estrada. Ang pag ban ng K-drama dito sa Pilipinas ay mas mag dadala pa ng inis at critismo mula sa mga netizens na gustong-gusto at tumatangkilik sa K-drama. Alam ko naman na humihina na ang industriya ng mga drama series dito sa Pilipinas, bagaman isa sa mga dahilan ang k-drama para humina ito, may mas malaki pang rason kung bakit humihina na ang industriyang ito.

Isa na dito ay ang pabalik balik na plot at madaling mahuhulaan ang mga mangyayari sa palabas. Ang pinaka karaniwan na plot ay ang plot na "kabit-kabit" o may ibang babae ang asawa ng bida, pagkatapos may mangyayari na tunggalian sa pagitan ng kabit at legal na asawa, at kahit ilang beses na nangaliwa ang asawa ng bida, Sila parin ang mag kakatuluyan sa huli. Ang ganitong plot, sa tingin ko ay madali lang mahulaan, walang "thrill" o "excitement" kang makukuha sa ganitong mga palabas.

Si Rep. Joey Salceda ng pangalawang distrito sa Albay (2nd District of Albay)  nag pahayag din nang kanyang opinyon patungkol sa ideya ni Senator Estrada. Katulad ko, hindi rin siya sumasangayon sa ideya ni Senator Jinggoy Estrada. Ipinunto ni Rep. Salceda, ma siya ding namumuno sa House Ways and Means Committee, na ang gobyerno ay dapat mas mamuhunan sa isang "creative ecosystem" katulad ng sa Korea para mas mapa unlad pa ang industriya ng Filipino drama/movies.

Maganda at may mga kawili-wili na balangkas/plot ang kanilang mga drama at palabas kaya mas tina-tangkilik ng karamihan ang K-Drama. Imbes na ipagbawal/ban ang panunuod ng Korean dramas, mas maiging kumuha tayo ng ideya sa kanilang taktika kung paano nila napalago ang idustriyang ito.

Essays & SanaysayWhere stories live. Discover now