Sa paglago ng teknolohiya sa kasalukuyang panahon, isa-isang umusbong ang mga makabagong teknolohiya at isa na dito ang social media. Ang social media ay ang mga websites at mga aplikasyon na hinahayaan ang mga gumagamit na gumawa at mag bahagi ng makabuluhang kontent o makilahok sa social networking.
Bilang isang kabataan ng ika-21 siglo, isang hindi mapag-aalinlanganang katotohanan na ang social media ay talagang mahalaga, at para sa akin, bilang isang mag aaral at mamamayan, ito ay mahalaga. Ang social media ay nag bigay paraan upang mapadali ang aking pag sasaliksik sa mga mahirap kong takdang aralin at sa mga bagay bagay na hindi ko ma intindihan. Ang social media rin ang naging dahilan kung bakit may mga "internet friends" ako. Ang social media ang nag bigay daan upang mag karoon ako ng komunikasyon sa mga kamag-anak at sa akin mga kaibigan na nasa malayo.
May mga pro's at con's man ang social media, pero talagang masasabi natin na ito ay isa sa pinaka importante na instrumento ngayon sa modernong panahon na ating ginagalawan. Ang social media ay nag dudulot lamang ng negatibong epekto kung ito ay ginagamit sa Hindi magandang paraan. Ang social media ay regalo ng modernong panahon para sa atin.
#Use_social_media_wisely.
![](https://img.wattpad.com/cover/325227310-288-k867453.jpg)
YOU ARE READING
Essays & Sanaysay
Non-Fictionfor educ/school purposes, essays at sanaysay, etc. Notice!!! HELLO BEAUTIFUL PEOPLE! I HAVE A NEW POEM BOOK I PUBLISHED HERE ON WATTY! IF YOU HAVE TIME YOU CAN CHECK IT OUT! THANK YOU! All of this [speech, essays, sanaysay, script for comic strips...