02

1 0 0
                                    

MUNDO

Naalala ang mga sandali na aking iniingatan.
Pagmamahal na hindi kayang palitan.
Dahil minsan na naging sandalan.
At ngayon tila’y sinasalba ang sariling kapakanan.

Katulad ng buwan, na masarap pagmasdan,
Katulad ng araw na mahiwaga sa kalangitan.
sasabihin kong itutulad kita sakanila.
palaging pipiliin, na gustong makita at makasama.

Handang isugal ang lahat–kahit ang sarili.
Kasi malay mo, maging tayo sa huli.
Kahit alam kong imposible.
Hinihiling ko pa rin na maging posible.

Mistulang bumulong sa akin ang tadhana.
Nagkaroon ako sa ating dalawa ng pag-asa.
Tayo raw ang para sa isa't isa.
Hindi lang ito ang mundo nating dalawa.


-KYRA

The Beauty Of Love (Compilation Of Poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon