04

1 0 0
                                    

NATATANGI

Tinititigan ang mukha mong maamo.
Nakikinig sa baon mong kuwento.
Kung minsan natatawa, sapagkat andami mo nanamang pauso.
Sinusulit kasama ka, ang bawat segundo.

Ikaw ang bukod tangi at piniling gustuhin ko.
Iba kasi ang dating mo sa’king puso.
Para bang ako ay ginayuma mo.
At kung bakit baliw na baliw sa'yo.

Para akong pinana ni kupido.
Sapol na sapol sa puso.
Tila nagtagumpay siya sa kaniyang plano.
Kaya tingnan mo, ako ay hulog na hulog sa'yo.

Sandali mahal at ipapaalam ko lang sa’yo.
Ikaw lang ang nilalaman ng puso.
Ikaw lang ang tatawaging “tangi’’ ko.
Dahil ikaw lang naman ang mahal ko.



-KYRA

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 29, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Beauty Of Love (Compilation Of Poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon