Part 2

1.5K 53 7
                                    

Jema's POV

Nakatingin lang ako kay Dean habang natutulog sya, yumakap ako sa kanya at hinalikan ko yung pisngi nya.

 Ang gwapo gwapo talaga ng boyfriend ko, ang swerte ko din  sa kanya. 

Three years na ang nakalipas, ang tagal na diba? Pero matatag parin kami kahit na marami ng pagsubok yung dumating sa amin. Hindi naman sobrang perpekto ng relasyon namin ni Dean, paminsan minsan may away din kami, tampuhan, minsan naman ginugulo din kami ng mga bashers nya, pero sabi sakin ni Dean wag ko nalang daw pansinin dahil mas lalo lang daw kaming hindi tatantanan ng mga bashers nya. 

Napatingin ako sa relo ko. 

5 AM na pala, kailangan ko ng mag asikaso, meron pa kasi akong flight mamaya, umuwi lang kasi ako kagabi dahil anniversary namin ni Dean.

Dahan dahan akong tumayo para hindi magising si Dean. 

Nang makatayo na ako kinuha ko yung robe ko at sinuot iyon, nagpunta ako sa kusina para mag luto ng almusal namin ni Dean. 

Oo nga pala, iisang condo na yung tinitirahan naming dalawa ni Dean, nagpasya kasi kami na mag sama nalang para daw lagi kaming magkasama. 

Nang makarating ako sa kitchen inihanda ko yung mga lulutuin ko... bacon, hotdog and pancake.

Habang nagluluto ako naramdaman kong may yumakap sa likuran ko kaya napangiti ako. 

"B, good morning, ang aga mo naman magising?" tanong nya sakin, lumingon ako sa kanya at hinalikan ko sya sa labi pero smack lang. 

"Good morning B, oo eh, may flight pa ako mamaya diba?" tanong ko din sa kanya, isiniksik nya yung mukha nya sa leeg ko kaya nakaramdam akong kiliti

"B, hindi ba pwedeng umabsent ka?" tanong nya sakin

"B, alam mo naman na hindi pwede diba?" tanong ko din sa kanya, napabuntong hininga sya

"Kailan uli balik mo?" tanong nya

"Hmm, 1 week akong wala ngayon B, kaya dapat mag behave ka, okay?" sabi ko sa kanya sabay haplos sa pisngi nya

"Behave naman ako dito B" sabi nya

"Alam ko naman yon B, pinapaalala ko lang, upo kana don, malapit na akong matapos magluto" utos ko sa kanya, kumalas naman sya sa pagkakayakap sakin at naglakad papunta sa upuan at umupo.

Habang kumakaen kami napansin kong napapatingin sya sakin kaya naman tumingin din ako sa kanya.

"Bakit?" tanong ko

"Mamimiss kita.." sabi nya sakin, "B, ano kaya kung mag stop kana sa pagiging FA?" tanong nya sakin, napakunot naman yung noo ko

Hay! heto nanaman po kami..

"Dean naman, para din naman sa future natin to eh.." sabi ko sa kanya

"B, k-kaya naman kitang buhayin eh" sabi nya

"Alam ko, pero Dean dito ako masaya..." sabi ko sa kanya, tumingin sya sakin

"Hindi ka masaya sakin?" tanong nya sakin, binitawan ko yung kutsara at tinidor ko

"B, masaya ako sayo, pero masaya din kasi ako sa ginagawa ko... akala ko ba nagkakaintindihan na tayo tungkol dito?" tanong ko sa kanya

"S-Sorry, n-nagbabakasakali lang.." sabi nya pagkatapos yumuko sya at nagpatuloy sa pagkaen.

Napabuntong hininga ako, pagkatapos tumayo ako at naglakad palapit sa kanya, umupo ako sa lap nya at hinawakan ko yung magkabilang pisngi nya, tumingin naman sya sakin habang nakasimangot at magkasalubong yung kilay.

Hinilot hilot ko yung kilay nya hanggang sa maghiwalay iyon.

"B, wag ka ng malungkot... mahal na mahal kita, pero sana maintindihan mo din na mahal ko din yung trabaho ko, nilulubos ko na to kasi gusto ko balang araw sayo nalang ako naka focus at sa mga magiging anak natin.." mahinahon na sabi ko sa kanya, dahan dahan naman syang tumango

"Okay.. sorry B.." sabi nya sakin, ngumiti ako at hinalikan ko sya sa labi pero smack lang.

"Smile na.." sabi ko sa kanya, nag smile naman sya

"Hahatid kita ha.." sabi nya

"Sure po..." sabi ko pagkatapos yumakap ako sa kanya, "Mamimiss kita, pero mabilis lang yung 1 week, promise, pag day off ko out of town tayo.." sabi ko sa kanya habang nakangiti, lumaki naman yung ngiti sa labi nya dahil sa sinabi ko

"Talaga??" tanong nya sakin, tumango naman ako, "Kailan? pag balik mo?" tanong nya sakin

"Opo..." sabi ko

"Promise mo yan B ha.." sabi nya, natawa naman ako

"Hahah oo nga.. tapusin na natin yung breakfast B, baka malate ako.." sabi ko, tatayo na sana ako kaso pinigilan nya ako

"Subuan nalang kita.." sabi nya

Dahil wala akong magawa sumunod nalang ako sa kanya. Sinubuan nya ako habang nakaupo ako sa lap nya.

Nang matapos kaming kumaen naligo at nagbihis na ako.

After 2 hours nasa sasakyan na kaming dalawa.

"B, mag iingat ka ha... tatawag ka sakin kapag nakalapag na kayo.." bilin sakin ni Dean habang nagda-drive sya.

"Oo naman, ikaw yung una kong tatawagan" sabi ko, isinandal ko sa kanya yung ulo ko at pumikit ako

Mamimiss ko talaga tong lalaking to..

Nang makarating kami sa airport pinagbuksan nya ako ng pinto.

"B, pasok na ako sa loob, ingat ka pauwi, behave ha.." bilin ko sa kanya

Lumapit sya sakin at hinalikan ako sa noo, pagkatapos niyakap nya ako.

"Opo, yung bilin ko sayo, mag iingat ka.." sabi nya, hinawakan ko yung magkabilang pisngi nya at hinalikan ko sya sa labi pero mabilis lang.

"I love you!" sabi ko sa kanya

"I love you more!" sabi nya din sakin

Naglakad na ako papasok sa airport.

"Good Morning Jema.." bati sakin ni Captain de Jesus ng makasalubong ko sya

Oo nga pala, sya nga pala uli yung makakasama ko.

"Good Morning captain.." bati ko din sa kanya habang nakangiti

"Gumaganda ka ngayon.." pangbobola nya sakin, natawa ako dahil sa sinabi nya

"Thank you!" sabi ko sa kanya, "Capt. maiwan ko po muna kayo ha.. mag aayos pa po kasi ako" paalam ko sa kanya

"Sure.." sabi nya habang nakangiti

Maya maya nakita ko si Mich at Jho.

"Hi Bes, mukhang blooming ka ngayon.. hahah!" bati sa akin ni Jho

"Naman, inlove eh.." sabi ko sa kanila

"Hinatid ka dito ni Dean?" tanong sakin ni Jho

"Oo, kakaalis nya lang" sagot ko

"Talaga? magkikita siguro sila ni Bei ngayon.." sabi ni Jho sakin

"Okay lang yun, kapag sila Bei yung kasama nya panatag yung loob ko.." sabi ko

"Hahaha! alam mo, natatawa nga ako, kasi parang mas madalas pang magkakasama yung mga boys kaysa sa makasama nila yung nga girlfriend nila.." sabi ni Mich

"Mag girlfriend ba naman kasi ng mga FA eh.. hahaha pero natutuwa ako kasi behave naman sila.." sabi ni Jho, napangiti naman ako

"Tama.." sang ayon ko.

Maya maya sabay sabay kaming pumunta sa eroplano na gagamitin namin, magkakasama kaming magkakaibigan ngayon, nauna na daw kasi sa eroplano sila Kyla at Ced.

Nang makarating kami sa eroplano agad kaming nag trabaho.

Syempre nag update muna ako kay Dean, nag reply naman agad sya at nagpaalam na magkikita sila ngayon ng mga kaibigan nya, at dahil malaki naman yung tiwala ko kay Dean at sa mga kaibigan nya pumayag ako.

----------

Update uli... 😊😊 kamusta? 😊

Little ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon