Part 25

1.7K 62 21
                                    

Jema's POV

Nandito na kami kila Bei, habang sinusukatan kami hindi maalis yung ngiti sa labi ko.

Napatingin ako kay Dean na seryosong nakatingin sakin, nginitian ko sya at kinawayan, nginitian nya naman ako pabalik.

"Naku, mukhang alam ko na kung sino yung susunod na ikakasal..." sabi ni Kyla sabay tingin sakin, "Syempre hindi ikaw bes, baka si Ced, heheheh" dagdag nya pa

Baliw talaga to, ayaw nya ata akong makasal.

"Ehem... Oo nga, baka si Ced" sang ayon ni Mich

"Grabe kayo sakin, ayaw nyo ba akong ikasal?" tanong ko sa kanila habang naka pout

"Hindi naman bes, yung boyfriend mo yung may problem" bulong sakin ni Kyla, biglang kumunot yung noo ko

"A-Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya

"Kasi kagabi nag bar sila diba?" tanong nya sakin, tumango lang ako habang nakatingin kay Kyla,

"Diba nagdate kayo kahapon?" tanong din ni Mich, tumango uli ako

"Nakakita kayo ng nagpropose diba?" dahil sa inis ko napakamot ako sa ulo ko

"Ano ba kasi yon? pwede bang deretsuhin nyo na ako?" tanong ko sa kanila, napatingin ako sa pwesto nila Dean at nakita kong nakatingin lang sya kay Bei habang nakapangalumbaba at para bang ang lalim ng iniisip

"Nabanggit nya kasi kagabi bes na kakaiba daw yung naramdaman hya nung nakakita sya ng nagpropose, nakaramdam daw sya ng takot at naalala yung dati... na trauma girl.." sabi sakin ni Kyla

Nakaramdam ako ng lungkot dahil sa sinabi ni Kyla.

"Jema, hindi ko naman masisisi si Dean ha.. pero kung ako din kasi yung nasa kalagayan nya mato-trauma din ako" sabi ni Ced

"Hayaan mo muna sya bes, kasalanan mo naman eh" sabi ni Kyla

Natahimik ako at hindi ko na kinausap sila Kyla.

Grabe yung trauma na binigay ko kay Dean. Umabot pa sa punto na natatakot na sya pag kasal ang pinag-uusapan.

Nang matapos kaming sukatan nagpunta kami sa dining area para kumaen.

Hinihintay kong lagyan ni Dean ng pagkaen yung plato ko, kaso ilang minuto na ang nakakalipas... nganga...

Napatingin sakin si Dean habang kumakaen.

"B, okay ka lang?" tanong sakin ni Dean

"O-Oo naman.." sagot ko

"Bakit hindi ka pa kumakaen?" tanong nya sakin

"H-heheh, ito na nga po kakaen na ako.." sabi ko, kumuha ako ng konteng pagkaen dahil nawalan ako ng gana.

Napatingin ako sa mga kaibigan ko at nakatingin sila sakin, lihim naman akong napailing.

Pagkatapos naming kumaen nagpaalam na kaming dalawa ni Dean sa mga kaibigan namin.

Habang nasa byahe kami tahimim lang kaming dalawa.

Ang awkward naman ng ganito... dapat hindi ko nalang nalaman yung tungkol don eh...

Nang makarating kami sa condo pabagsak na naupo si Dean sa couch. Narinig kong bumuntong hininga sya.

Tumabi ako sa kanya pagkatapos yinakap ko sya.

"B, aalis na uli ako bukas, mag iingat ka dito ha... behave ka.." sabi ko sa kanya, niyakap nya ako pabalik

"Behave naman po ako lagi" sabi nya pagkatapos hinalikan nya ako sa noo

Habang yakap yakap ko si Dean nakabuo ako ng desisyon.

Little ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon