Part 5

1.4K 47 2
                                    

Dean's POV

5 Months na ang nakakalipas simula ng magpropose ako kay Jema, inaayos na din namin yung mga kailangan namin kaya sobrang busy namin dahil next month na yung kasal naming dalawa.

Nitong mga nakaraang buwan ang dami ding nangyare, umuwi kami sa bahay nila Jema sa Laguna para ipaalam yung magandang balita sa pamilya ni Jema, syempre nag celebrate din kami. Tulad ng ipinangako ni Jema, nagbakasyon kaming dalawa sa Siargao. Umuwi din kami sa Cebu para bisitahin yung family ko, basta ang dami daming nangyare.

Noong nag propose ako kay Jema halos araw araw kaming trending, nagkalat yung mga videos namin ni Jema, syempre may mga natuwa, pero may mga naiinis din, pero tulad nga ng palagi kong sinasabi wala akong pake sa kanila, wala akong pake kahit anong sabihin nila tungkol samin ni Jema dahil hindi nila alam kung ano yung mga pinagdaann naming dalawa ni Jema.

Nandito kami ngayon sa isang pagawaan ng wedding dress, sinamahan ko kasi si Jema na mamili ng gagamitin nya sa kasal naming dalawa.

Maya maya, lumabas na si Jema at suot suot yung wedding dress, agad akong napangiti ng makita ko sya.

Ang ganda nya, bagay na bagay sa kanya yung wedding dress na suot nya..

"Ayan! bagay na bagay sayo girl! tingnan mo, natulala si Mr. Wong sayo" sabi ng bakla habang nakatingin sakin

"B, maganda ba?" tanong nya sakin, tumango ako habang nakangiti

"Bagay ba bagay B.." sagot ko sa kanya

"B, dito nalang din tayo bumili ng mga susuotin nila Jho.." sabi ni Jema sakin, lumapit ako sa kanya.

"Sige.." sagot ko habang nakangiti

"Gandang ganda ka nanaman..." asar nya sakin kaya natawa ako

"Hahaha, ang ganda mo kasi B, mas lalo tuloy akong na excite.." sabi ko sa kanya

"Assus! bolero!" sabi nya sakin habang nakangiti

"Totoo yung sinasabi ko.." sabi ko sa kanya

"Oo na.. osige, ito nalang yung bibilihin ko, kumportable din kasi ako dito" sabi nya

Maya maya nagpalit na uli si Jema pagkatapos binayaran na namin yung gown.

Bago kami umuwi ni Jema kumaen muna kami sa isang restaurant.

Habang kumakaen kami nagkukwentuhan lang kami.

"B, after ng kasal natin, saan tayo mag ha-honeymoon?" tanong ko sa kanya

"Hmm, gusto ko sa Paris" sagot ni Jema habang nakangiti

"Ay gusto ko yan, sige doon nalang tayo" sabi ko, "Alam mo B, hindi na talaga ako makapaghintay ng next month.. tuwing gabi napapanaginipan kita na naglalakad sa aisle, nakangiti habang naglalakad palapit sakin" kwento ko sa kanya, pero totoo yon, halos gabi gabi kong napapanaginipan yon.

"Talaga?" tanong ni Jema habang nakangiti

"Yup! ganito pala yung feeling ng ikakasal no? feeling ko tuloy ako yung  pinaka gwapo at maswerteng lalaki sa buong mundo.." sabi ko sa kanya..

Nakatingin lang sakin si Jema habang  nakangiti.

--------------

Jema's POV

"Magpapagawa ako ng malaking bahay tapos doon tayo gagawa ng napakalaking pamilya.." sabi nya sakin, kitang kita ko yung kinang sa nga mata nya habang nagkukwento

Sumubo sya ng steak kaya nagkaroon ng dumi yung bibig nya.

Parang bata talaga syang kumaen.

Kumuha ako ng tissue at pinunasan ko yung labi nya.

Little ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon