Part 29

1.9K 53 20
                                    

Dean's POV

Two months na yung nakakalipas, tapos na yung kasal nila Bei, at syempre, tulad ng sinabi ko kay Tots dati na 'Sa lalong madaling panahon' pagkatapos ng kasal nila Bei agad naming inasikaso ni Jema yung kasal namin.

At ngayon.... ngayon yung araw ng kasal namin kaya naman nandito ako ngayon sa simbahan at hinihintay si Jema.

Hindi ako mapakali, kinakabahan din ako, pabalik balik ako ng lakad sa harap nila Bei.

"Deanss... relllaaxx!! sisiputin kana non ngayon.." sabi ni Bei sakin habang nakangisi

"K-Kinakabahan ako bro.." sabi ko sa kanya

"Relax lang kasi..." sabi nya

"Oo nga.." sabi ni Tots

"Nandyan na yung bride!! start na po tayo..." sigaw ng organizer, sabay sabay kaming napatingin sa labas, kung kanina kinakabahan ako, ngayon nakangiti na ako, naramdaman ko yung pag masahe ni Bei sa balikat ko

"Diba?? Sabi sayo eh" sabi nya sakin, "Tara na bro, pila na tayo don" aya nya, sumunod naman ako sa kanya.

Si Bei yung bestman ko.

Isa isa kaming naglakad sa aisle.

Nang makapaglakad na ang lahat, napatingin ako sa pintuan ng simbahan. Dahan dahang bumukas yung pinto at nakita ko si Jema kasama ng parents nya.

Naluha ako ng makita ko sya.

Tumugtog na yung music sa simbahan. Dahan dahang naglakad si Jema sa aisle.

🎶You're the one that never lets me sleep To my mind, down to my soul
You touch my lips You're the one that I can't wait to see With you here by my side I'm in ecstasy🎶

Habang naglalakad si Jema palapit sakin nakita kong naluluha din sya..

🎶I am all alone without you
My days are dark without a glimpse of you But now that you came into my life I feel complete The flowers bloom, my morning shines And I can see🎶

Nang makalapit sila sakin agad akong nagmano kay Tito Jess, bumeso naman ako kay Tita Fe..

🎶Your love is like the sun That lights up my whole world I feel the warmth inside🎶

"Alagaan mo yang prinsesa namin ha.." sabi sakin ni Tito Jesse

"Yes po tito--"

"Papa.. papa na yung itatawag mo sakin.." putol nya sa sasabihin ko, napangiti naman ako

"Yes po papa.. iingatan at aalagaan ko po si Jema" sabi ko sa kanya, tumango sya at ibinigay sakin yung kamay ni Jema.

Kinuha ko yung kamay ni Jema at naglakad na kami papunta sa harap ni father.

Nagsimula na yung wedding ceremony hanggang sa...

"Since it is your intention to enter into the covenant of Holy Matrimony, join your right hand, and declare your consent before God and his Church." sabi ni Father

"I, Dean Wong, take you, Jessica Margarett Galanza, to be my wife. I promise to be true to you in good times and in bad, in sickness and in health. I will love you and honor you all the days of my life." sabi ko habang nakatingin kay Jema

"I, Jessica Margarett Galanza, take you, Dean Wong, to be my husband. I promise to be faithful to you in good times and in bad, in sickness and in health, to love you and to honor you all the days of my life." sabi ni Jema kaya napangiti ako

Little ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon