Part 27

1.7K 69 182
                                    

Jema's POV

Hapon na ng makarating kami sa Batangas.

Magkasama kaming dalawa ni Dean sa isang room.

"Uhm, B, lalabas muna ako ha.. puntahan ko lang sila Bei" paalam sakin ni Dean, tumango lang ako

Paglabas nya humiga ako at agad na nakatulog, napagod kasi ako sa byahe.

Ilang oras din akong nakatulog, tumingin ako sa labas at madilim na.

Hindi pa ba bumabalik si Dean??

Naghilamos muna ako at nagpalit ng damit, pagkatapos kong magpalit ng damit lumabas ako ng room namin, paglabas ko nagulat ako ng makaapak ako ng red rose petals..

Nakita ko na nagkalat yung mga petals sa hallway, sinundan ko iyon.

Sinong nagkalat dito??

Sinundan ko yung mga red rose petals hanggang sa makarating ako sa labas ng hotel, tiningnan ko kung hanggang saan nakakalat yung red rose petals at nakita kong papunta iyon sa tabing dagat..

Ano ba to??

Nakaramdam ako ng kaba ng biglang may tumugtog na music.

🎶He gives her everything that money can buy it's sad because he can't see the way she feels inside each morning he leaves for work and he kisses her cheek goodbye If only he could read her mind... She'd say🎶

Sinundan ko uli yung mga red rose petals hanggang sa makarating ako sa may buhanginan, doon hindi lang red rose petals ang nakalagay, meron na ding mga maliliit na candles na nagsisilbing parang daanan.

🎶Buy me flowers, make me smile
Tell me I'm beautiful once in a while
Hold my hand, show me I'm still the one you need call me from work
Show me you care I miss the times we used to share In this life, I know These are the little things That I need the most🎶

Tinanaw ko kung hanggang saan umabot yung mga candles at red rose petals. Mas lalo akong kinabahan ng makita ko yung mga kaibigan ko na nakatayo at nagkukumpulan na para bang may tinatago. Lahat sila naka white.

🎶One night while he was sleeping
She kissed his face That's when he said: I'm working early tomorrow And he rolled away Every now and then she finds herself Just staring down at her ring Would it be this way If she found the strength to say, to say🎶

Naluluha ako habang naglalakad palapit sa kanila, alam ko kasing pakana nanamam ito ni Dean..

🎶Buy me flowers, make me smile
Tell me I'm beautiful once in a while
Hold my hand Show me I'm still the one you need Call me from work Show me you care I miss the times we used to share In this life, I know These are the little things That I need the most🎶

Nang malapit na ako sa kanila, nakita kong lahat sila nakangiti habang nakatingin sakin.

"A-Ano to??" tanong ko sa kanila ng makalapit ako sa kanila.

🎶Then late one night Standing by her bedroom door He heard her cry herself to sleep How could he let things get this way He realized all his mistakes And the very next day He came home early just to say🎶

Hindi nila ako sinagot, naglakad lang sila papunta sa tabi kaya nakita ko si Dean, may dala dala syang isang bouquet na sunflower..

So sya pala yung tinatakpan nila kanina..

Nakatingin sya sakin habang nakangiti, biglang huminto yung music, pero napangiti ako ng biglang pinagpatuloy ni Dean yung kanta.

"🎶I bought you flowers to make you smile, haven't said you're beautiful now in a while take my hand baby you're still the one I need... I want you to know Just how much I care I miss the times we used to share from this day, I know.. I'll do the little things that you need the most...🎶" kanta nya, at habang kinakanta nya iyon medyo naiiyak na sya kaya hindi ko na din napigilan kaya napaluha na ako.

Lumapit sakin si Dean at niyakap nya ako.

"Sorry..." bulong nya sakin, niyakap ko sya pabalik

"Okay lang.. sorry din.." sabi ko, tumingin sya sakin at pinunasan yung luha ko

"Simula ngayon hindi ko na ipaparamdam sayo yung mga naramdaman mo nitong mga nakaraang araw, I'm sorry kung tiniis kita, I'm sorry kung nasaktan kita..." sabi nya

"Okay lang nga... basta okay na tayo ha?" sabi ko sa kanya, umiling naman sya, kaya biglang kumunot yung noo ko, "B-Bakit?" tanong ko sa kanya, hinawakan nya yung kamay ko kaya kinabahan nanaman ako..

"Jema, sorry kung tinanggihan ko yung proposal mo sakin... sorry kung nakaramdam nanaman ako ng takot nung araw na yon, pero napaisip ako... bakit nga ba ako matatakot na mag propose at magpakasal sa babaeng mahal na mahal ko?? Ngayon Jema gusto ko ulit subukan..." sabi nya, may kinuha sya sa bulsan nya at dahan dahan syang lumuhod kaya napahawak ako sa bibig ko, naiyak na din ako

Nilahad nya sakin yung box na naka open at may laman na ring.

"Jema, will you marry me??" tanong nya sakin, nakita ko na nangingilid na din yung luha sa mata nya, medyo nanginginig din yung kamay nya.

Dahan dahan akong tumango habang nakangiti..

"Yes!! Gusto mo ngayon na tayo magpakasal eh.." sagot ko sa kanya habang nakangiti, natawa naman sya dahil sa sagot ko, tumayo sya at yumakap sakin, pagkatapos nya akong yakapin isinuot nya yung singsing sa daliri ko, nang maisuot nya iyon sa daliri ko hinawakan nya yung magkabilang pisngi ko at hinalikan ako sa labi pero saglit lang.

"Thank you!" sabi nya sakin

"Yiiieeehhh!! Ikasal na yan!" kantyaw ni Tots samin

Hala, nakalimutan ko na nandito pala sila...

"

Kami muna ni Jho..." sabi ni Bei habang naka-pout

"Hoy! Jema, kapag hindi mo uli yan sinipot si Dean itatakwil na talaga kita bilang bestfriend ko, kapag kinasal din ako hindi ka invited.." sabi ni Kyla sakin, nagsitawanan naman kami

"Baliw.." sabi ko sa kanya

"Kailan yung kasal Dean?" tanong ni Pangs samin

Tumingin sakin si Dean habang nakangiti.

"Sa lalong madaling panahon..." sagot nya, pagkatapos hinalikan nya ako sa noo kaya napapikit ako habang nakangiti.

Pagkatapos mag propose ni Dean dumeretso kami sa hotel para mag dinner.

--------------

Update uli...

Tulog muna ako guys...

Ito nga pala yung music, favorite ko to.. hehehe

Little ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon