Part 22

1.9K 82 93
                                    

Jema's POV

Dalawang araw na simula ng huli kong makita si Dean.

Yung totoo noong nakita ko na hinalikan sya ni Ivy nasaktan ako. Umiyak ako ng umiyak nung gabing iyon.

Nag dadrive ako ngayon papunta sa bahay nila Bei, magkikita kita kasi kami ngayon dahil nag aya si Bei ng jamming, may mahalaga daw kasi syang announcement.

Baka naman nag popropose na sya kay Jho??

Binuksan ko yung radio ng sasakyan ko at nakinig ako ng tugtog habang nagdadrive.

🎶Nilibot ang tahanan
Tagpuan, wala ka
Pa'no hihilom ang sugat
Na gawa sa pagmamahalan?
Pagmamahalan🎶

🎶Buong araw kang inisip
Mga sulat mo'y binasa
Pa'no ba titigil ang pagluha
Na gawa sa pagmamahalan?
Pagmamahalan🎶

🎶Magbabalik ang nakaraan
Ibabalik ang pinagmulan... Umaasa... Umaasa🎶

Ang ganda naman ng kantang ito...

Maya maya nakarating na ako sa bahay nila Bei, at lahat sila nandon na, tumingin ako kay Dean at nagtama yung paningin naming dalawa. Bigla kong iniwas yung tingin ko sa kanya at lumapit ako kila Jho para makipag beso.

"Oh Jema! buti nakarating ka.." sabi ni Jho habang nakangiti

"Oo naman, eh mukhang importante yung magaganap ngayon eh.. sabi kasi ni Bei sakin kanina may mahalaga daw na announcement.." sabi ko habang nakataas yung isang kilay

"Ay heheh oo.. meron nga..." sabi nya sakin habang nakangiti

"Hi bes!" bati ni Kyla sakin, nakipag beso ako sa kanya

"Hello, kanina ka pa?" tanong ko sa kanya

"Kararating lang namin ni Angel" sagot nya sakin tumango naman ako

Lumapit na din sakin yung iba naming kaibigan para batiin ako.

"Guys, kaen muna tayo, after natin kumaen may gagawin tayo" sabi ni Bei

"Ano ba yan.. ang dami mong pauso Bei.." reklamo ni Pangs

"Ngayon lang naman..." sabi ni Bei habang naka pout

Lumapit kami sa lamesa at umupo.

"Dean, bakit hindi mo kasama si Adi mo?" tanong ni Kyla habang kumukuha ng pagkaen

"H-Ha?? U-Uhmmm---"

"May lakad daw" si Bei na yung sumagot, tumingin si Dean kay Bei at nginitian nya ito.

"Ahhh.. kaya pala" sabi ni Kyla

Kukuha na sana ako ng kanin pero inunahan ako ni Dean at sya ang naglagay ng kanin sa plato ko, nabigla ako sa ginawa nya.

"Okay na ba yan o dadagdagan ko pa?" tanong ni Dean sakin, napatingin ako sa mga kaibigan ko at nagtataka din sila habang nakatingin samin, binalik ko yung tangin ko kay Dean.

"O-Okay na, thank you.." sabi ko sa kanya

"Ulam? anong gusto mong ulam?? adobo? chopsuey? Ampalaya? shrimp? fish??" tanong ni Dean sakin, biglang kumunot yung noo ko

Ang weird.. anong nakain nito??

Nakita ko si Tots at Pangs na patago na tumatawa.

Pinagtitripan ba nila ako??

"Ahh itong adobo nalang.." sabi ni Dean at nilagyan nya ng adobo yung plato ko, kinuha nya din yung shrimp, chopsuey at fish at nilagyan din yung plato ko, pinanood ko lang yung ginagawa nya.

Little ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon