n2: cousin

121 5 0
                                    


"good afternoon, jeong." nakangiting bati ng doctor kay jaehyun bago ito humarap kay renjun. "hi, i'm dr. james javier martinez, the jeong's family doctor."

"good afternoon." ngumiti rin si ren bago kumapit sa braso ni jaehyun. "i-m... i'm huang renjun."

tumango-tango ang doctor. "i already got your medical records from your former doctor... of course, by force since he doesn't want to trasfer you to me. ready na rin ang equipment na gagamitin para sa skeletal scintigraphy mo, kapag ready ka na,  sabihan mo lang ako."

huminga ng malalim si renjun pagkatapos ay sumulyap siya sa kasintahan na ngumiti naman sa kanya. "simulan na po natin."

with that, doc martinez called his staff para i-assist si renjun papunta sa radiologist.

"if you really love breathing, take care of him." ani doc martinez sa babaeng nurse.

"yes, doc." anang nurse bago iminuwestra kay ren ang pintuan. "this way, sir."

"hihintayin kita rito, babe." jaehyun ruffled the younger's already messy hair. tumingkayad naman si renjun at hinalikan ang nakatatanda. it was just a peck pero agad namula ang mga tainga ni jaehyun at cute siyang yumakap sa kasintahan. "good god, you're so random, boss. why do you have to make my heart beat so fast while we're here? di na nagpa-function utak ko, kinikilig na lang ako."

"ang oa mo, cap." natatawa na lang na niyakap ito pabalik ni ren. "i'll go na para matapos agad tayo rito."

"okay, i love you."

"love you, baby." nakangiting sabi ni ren bago naglakad palapit sa nurse na naghihintay sa kanya. "after you." he said as he motioned the door.

"yes, sir."

pinanood ni jaehyun na makaalis si renjun kasama ang nurse pagkatapos ay hinarap niya si doc martinez. "you said you have——" natigil siya sa pagsasalita nang bigla siyang pasakan ng oral thermometer ni doc martinez sa bibig. "the fuck?!"

"hmm, normal temp." sinalat ni doc ang noo at leeg ni jae. "wala ka ring lagnat. smile." nagtataka man ay ngumiti si jaehyun. "nasa tamang placement ang dimples, ikaw nga si jeong... pero bakit parang ibang tao yong nakita ko kanina?"

"nag-aadik ka ba? mas malala tama mo sa ulo kaysa kay tito."

humalakhak ang doctor bago naupo sa swivel chair nito. si jaehyun naman ay inokupa ang visitor's chair sa harap ng malapad na glass desk.

"kaya sumuko sa'yo si dad, eh. mas masakit ka raw sa ulo kaysa kay tito max." natatawa pa ring sabi ni doc martinez pero mayamaya ay sumeryoso na rin ito at ngumiti kay jaehyun. "happiness looks good on you, jae. i'm a decade older than you kaya nakita kitang lumaki. if there's one thing i'm sure about you is that you only enter this office everytime na may ipapagamot kang sugat o kaya ay magpapa-laser ka ng peklat kasi ayaw mong makita yon ng mga kapatid mo. now you're here, looking fine... walang sugat at masaya." tumango-tango ang doctor. "ganyan dapat mag-glow up. imbitado dapat ako sa kasal mo ah."

"hala, gago, paano mo alam na iniisip ko na yan?" pabirong sabi ni jaehyun.

"dude, that look in your face while you're looking at your man, i've seen that before. when i was in front of the mirror preparing to marry my wife." anang doctor bago napailing-iling. "let's change the topic. masyado ka ng kinikilig kakaisip sa kanya."

"daming alam." jaehyun tsk-ed.

"syempre, doctor ako eh." may kinuhang folder mula sa steel file cabinet si doc martinez. "and your ears don't lie. tingnan mo, pulang-pula na." inilapag nito ang isang lumang white folder sa harap ni jae na may label na 'maze jeong'.

"what's this?" kunot-noong binuklat ni jae ang folder. medical record iyon ng tita maze niya sa ob-gyne noong dalaga pa ito.

"taeyong lee."

napatigil si jaehyun sa pagbabasa. nilapag niya ulit ang folder at tumingin sa doctor. "what about him?"

"ang alam mo, anak siya ng tito mo sa pagkabinata, right? ibig sabihin, wala siyang dugong jeong pero paano kung sabihin ko sayo ngayon na may kulang sa mga nalaman mo?"

tumaas lang ang kilay ni jae pero hindi aiya nagsalita. gusto niyang ipagpatuloy ng doctor ang sinasabi nito.

"last week i went to seoul to attend my godfather's funeral. before he died nag-iwan siya ng memo na i can go to his office and take anything na magiging useful pa sa trabaho ko. then while i was looking through his files, nakita ko yan." itinuro ni doc ang folder sa harap ni jae. "as a dakilang pakialamero, binasa ko. and because of my pakialamero instinct, nalaman ko na si lee taeyong ay pinsan mong buo. anak din siya ng tita maze mo, hindi siya anak ng tito jo mo sa ibang babae."

"the fuck?!" gulat na wika ni jaehyun bago muling binuklat ang folder. sa pinakahuling bahagi ay natagpuan niya ang isang note na nakikiusap sa doctor na wag ipapaalam kay casiano jeong na si maze jeong ay nanganak dahil hindi pa sila kasal ni jonathan lee at graduating pa lang siya ng college. ire-register ang bata bilang anak ni jonathan pero ang nanay ay hindi si maze kundi isang nagngangalang nancy lee, ang mag-aampon sa bata.

"binayaran nila lahat ng taong nakakaalam upang hindi mabunyag ang sekreto nila. now, if you really wanna know how taeyong end up as verona's transactor, maybe you should start by searching for this woman named nancy lee."

"thanks, martinez." ani jaehyun bago nafu-frustrate na ginulo ang sariling buhok. "fuck! sa dami ng kapalpakan ni tito jo na kailangan kong isaayos minsan gusto ko na lang siyang itumba."








HomeWhere stories live. Discover now