n51: hospital

64 2 0
                                    

"kuya renren, i cooked breakfast—"

"nasaan ang kuya jaehyun mo?" tanong ni renjun na halata sa mukha na may iniinda itong sakit. agad namang naalerto si yizhuo kaya nilapitan nito si ren at inalalayan.

"nasa likod-bahay. tinitingnan yong pinapagawa ninyong office—" yizhuo paused when he saw the older in pain again. "w-what's wrong?"

huminga ng malalim si renjun at pinakalma ang sarili. "my water broke, manganganak na yata ako. mauuna na ako sa sasakyan, sabihan mo ang kuya mo na ihatid ako sa hospital. wag mong sabihing manganganak na ako, magpapanic yan. sabihin mo na lang na dadalawin ko si heather."

"okay..."

"pagkaalis namin, tawagan mo ang doctor ko at sabihin mong on the way na kami sa hospital. make sure lang na secured ang bahay then isunod mo sa amin ang mga gamit ng kambal." kalmadong sabi ni renjun bago siya dahan-dahang naglakad palabas kung saan naroon ang mga sasakyan nila.

"buti ka pa kalmado, ako natataranta na ahhhhh!!" sinabunutan ni yizhuo ang sarili bago siya mabilis na tumakbo papunta sa likod-bahay. "kuya jaehyun!!!"

"ano ba, princess?" kunot-noong tanong ni jaehyun nang makita niya ang kapatid. "umagang-umaga sumisigaw ka na naman. kung may maligno mang namamahay rito, tiyak na nagsilayas na dahil sa ingay mo."

"whatever, kuya!" umirap si yizhuo bago ilang beses na huminga ng malalim. "samahan mo raw si renren, dadalawin si heather sa hospital. bilisan mo na kasi baka magbago na naman mood non, di ka na naman kausapin maghapon!"

dahil sa pananakot ni yizhuo ay dali-daling tumakbo paalis si jaehyun. si yizhuo naman ay patakbo ring bumalik sa loob ng bahay. tinakpan niya lang ang mga niluto niyang pagkain na nakahain na sa mesa pagkatapos ay nagsubo siya ng isang pandesal at saka patakbo ulit na umakyat sa second floor upang kunin ang bag na puno ng mga gamit ng kambal. nagbibihis siya nang marinig niyang humarurot na paalis ang sasakyan ng kuya jaehyun niya.

"jusko naman, hindi ako ang manganganak pero yong kaba ko sobra. please lang, lord, sana maging okay lang si renren at malusog na lumabas ang babies." panalangin niya habang tumatakbo na naman siya pababa. ni-lock niya ang main door at bago tuluyang umalis ay pumasok muna siya sa guardhouse kung saan naroon ang main control ng security system ng buong bahay. wala pa si jaemin na siyang dapat naka-duty ngayong umaga kaya ipinasya niyang i-lockdown na lang ang buong bahay just to make sure na walang makakapasok habang wala sila.

"initiating lockdown in three... two... one. house is now under lockdown. shoot to kill order will be implemented and any unidentified individuals who'll  force to enter the house will be executed."

huminga ng malalim si yizhuo bago niya ni-lock ang guardhouse at dumerecho na siya sa kanyang sasakyan. kakalabas niya pa lang sa gate ay nakatanggap na siya ng tawag mula kay ten.

"are y'all under attack right now?!" kabadong tanong ni ten. "bakit walang nagrequest ng back-up? nasaan na si arken? dapat nakaduty siya ngayon!"

"ten, calm down, we're okay." mahinahong sabi ni vi habang mabilis siyang nagmamaneho. "papunta kaming hospital at wala pa si arken kaya ni-lockdown ko ang buong bahay. alam ng lahat na bahay iyon ng president ng querencia, ren has a lot of enemies right now lalo na't kakatapos lang nong case laban sa isang maimpluwensiyang businessman. ayokong makipagsapalaran lalo na kapag safety nina kuya ang usapan. maraming maaaring mangyari habang walang tao roon."

"good decision, vivian. don't worry, sasabihan ko si andy na magpadala ng elite force na magbabantay sa paligid."

tumango-tango si vi kahit hindi naman iyon makikita ng kausap. "thanks, ten."

"no worries, vi. ingat—"

"wait!" pigil ni vi bago pa man tapusin ni ten ang tawag. "renren's about to give birth today. inform everyone who needs to know."

"the fuck?!" gulat na sambit ni ten. "kaya pala papunta kayong hospital. buti di ulit nahimatay ang kuya mo."

"di niya pa alam. ang akala niya dadalawin lang ni renren si heather. mamaya yan mahihimatay, sigurado ako."

sabay na nagtawanan sina vivian at ten dahil sa sinabi ng babae. mayamaya lang ay tinapos na rin nila ang usapan upang maipaalam na ni ten sa pamilya at mga kaibigan nila ang balita.

HomeWhere stories live. Discover now