n25: vivian

79 3 0
                                    

"seryoso talaga kayong dalawa jan sa burger, fries at milktea with prutas na yan?!" iiling-iling na sambit ni chenle habang kumakain sila.

"oo naman./support ko lang siya!" halos magkasabay na sagot nina jisung at jeno. "sayang nga at walang prutas." dagdag pa ni ji.

"sige, pag nakapag-grocery kami bibilhan kita ng sandamakmak na prutas. make sure lang na mauubos mo lahat bwisit——" napahinto sa pagsasalita si renjun nang may narinig siyang marahang naglalakad sa hagdanan. natawa siya nang makita niya si yizhuo na humihikab habang kinukusot ang mga mata nito. papikit-pikit pa itong naglalakad pababa kaya hindi sila nito nakikita sa sala.

"kuya jae, what's for breakfast po? i'm hungry na." anito na tuloy-tuloy naglakad papunta sa kusina.

"what the fuck?!" bulalas ni hyuck na siyang nagpahinto kay yizhuo sa paglalakad. dahan-dahang lumingon ang babae at agad nanlaki ang mga mata nito pagkakita kay hyuck.

"oh my god!" tili ni yizhuo at sinubukan nitong tumakbo palayo pero agad itong napigilan ni chenle at hinila paupo sa pagitan nina jisung at jeno.

"ayan, jan ka at turn mo na para ipaliwanag ang sarili mo." ani chenle bago humalakhak kaya napatawa na lang din si renjun.

"ahmm..." inilibot ni yizhuo ang tingin sa magkakaibigan bago siya napahinto kay hyuck. "i don't really know what to say."

hyuck raised an eyebrow and shrugged. "maybe start by explaining why you're here and you're calling jaehyun 'kuya'. or maybe tell me your real name?"

"ning yizhuo's my real name, hyuckie, and my nickname is vivian." nakasimangot na sabi ni yizhuo bago ito nagseryoso ulit. "but do you remember that time last year when i asked y'all to stop calling me vivian? muntikan kasing malaman ng mga kalaban namin na kaibigan ko kayo and they're so eager to bury me six feet under kaya kinailangang kong dumistansiya pansamantala. sa squadron alpha, kilala ako bilang vivian ning, head ng clean up crew."

"clean up what?" kunot-noong tanong ni hyuck. "you mean ikaw ang parang boss ng mga naglilinis, like mga janitor?"

"noooo." mabilis na sagot ni yizhuo na tinawanan ng malakas ni chenle. ayon, nahampas tuloy siya ni ren ng throw pillow kasi nagulat ito. "i mean, yeah, we clean just like janitors pero iba ang nililinis namin. crime scenes ang nililinis namin, hyuckie. tinatanggal namin ang mga patay, yong mga dugo, yong mga ebidensiya. we make sure na malinis na malinis ang pinangyarihan ng krimen para walang makatunton sa squadron—"

"saan dinadala ang mga patay?" nanlalaki ang mga matang tanong ni hyuck. "don't tell me tinatapon nyo sa dagat? fuck! i'm not gonna eat anything from the ocean from now on—"

"kumalma ka nga. di naman tinatapon sa dagat." tawang-tawang sabi ni jaemin na muntikan pang mabulunan. buti na lang at mabilis magbigay ng tubig si jeno.

"jaem's right. dinadala ko lahat sa building ko at sa underground non, doon ko sila sinusunog."

agad namang nangunot ang noo ni renjun. "you mean you cremate them?"

"nah, renren. burning them sounds better." ani yizhuo at hinawi pa ang buhok palikod bago muling tumingin kay hyuck. "sa unang tanong naman, i'm here kasi pinull-out saglit ni kuya jae si akio. siya dapat nagbabantay rito, salitan sila ni jaem. tapos tinatawag ko naman siyang kuya kasi gusto ko. oo, batas ako kaya dapat masunod ang gusto ko—"

"umayos." ani jeno bago inabutan si yizhuo ng burger. "oh, sayo na."

"thankie, kuya!" pumalakpak pa si yizhuo bago kumagat ng burger. "ayon, i call them kuya kasi sila na lang pamilya ko ngayon. my mom died after giving birth to me while my dad naman died during a mission in sri lanka. he took a bullet for papa max." kwento nito ng nakangiti pero halatang nalungkot.

"oh, sorry to hear that." agad na tumayo si hyuck at niyakap si yizhuo. "it must have been hard for you..."

pilit na ngumiti si yizhuo pero nang makita nitong naiiyak si jisung ay tuluyan na rin itong naiyak. "ji naman eh. ayokong umiyak."

"bakit ka kasi umiiyak?" tanong naman ni jisung na nagpupunas ng luha.

"kasi umiiyak ka..." sumisinghot na sabi ni yizhuo bago ito sumiksik sa gilid ni hyuck. "tapos i remember those times na pare-pareho tayong hirap bumangon x. we all lost someone dear to us eh. buti na lang we have kuya jae. buti na lang he was strong enough for all of us..."



HomeWhere stories live. Discover now