n37: celeste

80 4 0
                                    

"baby, aalis na ako." paalam ni renjun habang nagsusuot siya ng jacket.

"take care, love." sagot naman ni jaehyun na kasalukuyang nasa bathroom, naliligo. "hihintayin kita rito. sabay na tayong pumunta sa bahay ni lolo."

"sure, babe." pinulot ni ren ang susi ng kanyang sasakyan. "i love you."

"i love you, baby. take care please."

"i will."

pasipol-sipol na lumabas ng bahay si renjun habang iniikot sa daliri ang susi ng sasakyan. nang makapasok siya sa kanyang sasakyan ay agad na lumapit sa kanya si apollo. ito ang nakaduty ngayong araw dahil nagshopping si arken.

"saan tayo, boss?" tanong ni apollo na ikinatawa ni raven.

"ako lang muna ngayon, apollo. pabukas na lang ako ng gate."

"sige, boss. ingat." sumaludo sa kanya si apollo bago ito bumalik sa pwesto nito kanina upang buksan ang automatic na gate.

nang tuluyang bumukas ang gate ay agad na pinaharurot ni raven palayo ang kanyang sasakyan. deretso ang tingin niya sa daan habang mabilis na nagmamaneho papunta sa kanyang destinasyon. at nang malapit na siya sa address na ipinadala sa kanya ni ten kanina ay tinawagan niya ito.

"monitor my moves. i'll try to stay undetected pero hindi ko maiiwasan lahat ng cctv sa lugar. you already know what you need to do." seryosong bilin ni raven bago niya minaniobra ang kanyang sasakyan papasok sa basement parking ng isang mataas na condominium building kung saan pansamantalang nanunuluyan ang kanyang ina kasama ang mga tauhan nito.

"i'm in." imporma niya kay ten bago siya naglakad papasok sa elevator.

"i know. i'm hacking their security system right now." sabi naman ni ten na mabilis na tumitipa ng iba't ibang codes sa computer nito. "i'm also in. you have 30 minutes to do whatever the fuck you want to do with them. ako na ang bahalang maglinis ng magiging kalat."

"okay, 30 minutes." tumango-tango si raven  bago sinet sa 30 minutes ang timer ng wristwatch na suot niya. nang tumunog ang elevator hudyat na nakarating na siya sa tamang palapag ay taas noo siyang lumabas. bawat hakbang niya ay sigurado sa patutunguhan... ang huling silid sa palapag na iyon.

"who's that?!" tanong ng tao sa loob nang subukan niyang mag-doorbell.

"renjun huang—"

hindi pa tapos magsalita si raven ay agad na bumukas ang pintuan at tumambad sa kanya ang dalawang tauhan ng kanyang ina.

"come on, my child... pasok!" ngiting-ngiti na wika ni celeste na nakaupo sa sofa sa living room. doon ay may lima pa itong tauhan na nakatayo lang sa di kalayuan. "have a seat, anak."

raven scoffed as he took the seat in front of his mother. "i hope this will be the last time that we'll see each other this close. please lang, habang may natitira pa akong respeto sa inyo bilang mga magulang ko, hayaan ninyo na ako—"

"you dare to come here with that fucking attitude?!" inis na singhal sa kanya ni celeste. "my child, hindi ko nagugustuhan ang tabas ng dila mo, baka masapak kita jan."

"sa tingin mo ba hahayaan kong tumama iyang palad mo sa pisngi ko?" raven smirked. "mama, you don't know who you're dealing with right now."

"huang renjun—"

"huang renjun... that fucking innocent, scaredy cat boy died months ago. ibinaon ko na sa limot kung anong klaseng tao siya dati." raven looked straight into his mother's eyes. "you're now dealing with the new me, celeste. and trust me when i say you don't know me anymore. nagbabago ang lahat, hindi mo ba alam? kasabay ng paglipas ng panahon ay nagbago rin ako. dahil ginusto ko, dahil kailangan ko. dahil hindi ko hahayaan ang sarili ko na habang buhay na matatakot sa inyo. oo, anak ninyo lang ako, pero tao rin kasi ako. hindi ako hayop na pwede ninyong ikulong, bugbugin kung gusto ninyo... at mas lalong hindi ako isang produkto na maaari ninyong ikalakal kapag nalulugi na ang inyong negosyo. ngayon, sa huling pagkakataon ay makikiusap ako sa inyo ng maayos... let me go. sobrang nakakapagod at sobrang sakit maging anak ninyo."

"renjun, renjun...renjun. sa tingin mo ba makakaalis ka pa rito?" umiling-iling si celeste bago ngumisi. "sasama ka sa akin pauwi!" binalingan nito ang mga lalaki. "men, get him!"

"don't you dare touch me." babala ni raven nang magsimulang lumapit sa kanya ang mga lalaki upang hulihin siya. "i said don't fucking touch me, motherfuckers!" mabilis niyang hinugot ang baril na nakaipit sa may tagiliran niya at walang sabi-sabing binaril sa magkabilang tuhod ang mga lalaki.

"what the fuck?!!" tarantang sigaw ni celeste nang makitang lahat ng tauhan nito ay nakatumba na at pare-parehong iniinda ang tama ng baril sa tuhod. at mas lalo pa itong napasigaw nang paglingon niya kay raven ay sa kanya na nakatutok ang baril nito na umuusok pa ang dulo.

"please don't make me do this. ang hayaan kang makaalis sa bansang ito na humihinga pa ang tangi ko na lang magagawa bilang respeto sa katotohanang ikaw ang mama ko." ibinaba ni renjun ang kamay niyang may hawak sa baril pagkatapos ay tumayo na siya. "paalam..." he said before walking away.

"i'm in baguio right now." ani raven kay ten habang papasok siya sa elevator at agad namang nakuha ng tracker ang ibig niyang sabihin.

"alright, i'll make it look like you're there right now."

pagkatapos marinig ang sagot ni ten ay tinanggal na ni raven ang communication device na suot niya pagkatapos ay mas binilisan niya pa ang pagmamaneho pauwi.

HomeWhere stories live. Discover now